82

11 1 0
                                    

OHNE KARL DUERO

"Insan!"

His loud voice echoed in the whole gymnasium and of course he immediately got the attention of all basketball players. I scratched my nape.

"Sasali ka sa try-out? Akala ko ba soccer ball, Insan?"

"Still into soccer. Syrone assigned me to check his team for preliminary checking."

"And why is that?"

"I guess, malapit na ang sportsfest season," I answered. He nodded. "How about you? Are you planning to join in any sports?"

Agaran siyang umiling. "Wala naman. Magfo-focus na lang ako sa Arts Club. Oo nga pala! Ipapakilala ko sa 'yo si Sane! Nandito rin siya, eh! Mabuti na ring makilala mo siya at nang dumami ang friends mo! Wait lang, nasaan na ba ang babaitang 'yon?!"

Nilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Nagkibit balikat lang ako. Iyon yata iyung lagi niyang binabanggit sa akin na kaibigan niya. Not sure, hindi ko pa naman nakikita iyon.

"Hoy, Sane! Rito! Kung saan-saan kayo napapadpad ni Jorja!" bulyaw ni Gabrielle. Nahagip ng paningin ko ang tinatawag niya at napaangat ang kilay ko nang makita ang babae, parang walang pakialam na naglalakad sa gitna ng gym, nakapamulsa't ngumu-nguya-nguya pa. Sandali lang siyang nagtapon ng tingin sa pinsan ko at nagdire-diretso nang lumakad palapit sa kaibigan. She looked so simple and yet a bit snobbish. Balita ko, warfreak ang babaeng ito at kung saan-saang napapaaway. "Oh, ano? May nabiktima ba si Jorja d'yan? Si Jahm? Napansin na ba ng ulupong na si Frank?"

I tilted my head. She looks familiar. Did I meet her before somewhere? I looked at her from head to toe. Damn it... I'm sure that I met her before!

"Malay ko sa dalawang bruhang 'yon. Iniwan ako sa entrance," nakangiwi niyang saad at nagmamasid ang mata niya sa paligid. Para bang bago lang siyang salta sa lugar na ito. "Bakit tayo nandito? Sasali ka sa basket?"

Malamlam ang eskpresyon ng kaniyang mga mata. Hindi ko alam pero parang ang daling basahin ng emosyon ng kaniyang magagandang mata.

"Hindi! May Ipapakilala ako sa 'yo! Pinsan kong galing Germany!" Hinila ni Gabrielle ang kaibigan niya patungo sa akin. "Insan, siya nga pala si Sane! Ang kaibigan kong tsismosa, sadista, pero mabait!"

He then laughed so hard. Ang kaibigan niya naman ay umikot ang mga mata at pasimple pang inapakan ang paa ni Gabrielle dahil sa kahihiyang nadarama. Palihim na umangat ang gilid ng labi ko.

"Sane, siya naman si Ohne Karl Duero! Ang matalino kong pinsan!" pagpapakilala naman niya sa akin. "Tandaan mo ang pangalan niya, ah! 'Di mo p'wedeng kalimutan!"

Tumango ang babae. "Hello, pinsan ni Gabrielle," bati niya. "Rosane..."

She looks weird. Tumagilid ang ulo niya, tinapunan ako ng tingin at saglitang sinuri ang kabuuan ko.

Naglapat ako ng labi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko lalo na nung naglahad siya ng kamay. Bahagya siyang ngumiti, hinihintay na abutin ang kamay niya. She looked so natural. Her eyes are so beautiful yet intimidating. Mukhang susuntukin ako kung hindi ko tatanggapin ang kamay niya. Kumunot ang noo niya kaya naaligaga ako.

Napatikhim ako at tinanggap ang kamay niya. "Ohne Karl..."

"Uy, namumula ka, Sane!" Mabilis na binitawan ng kaibigan niya ang kamay ko. "Joke lang! Ito, 'no! Nakaapak kaagad sa paa ko! Sadista talaga!"

"Bahala ka na d'yan. Babalik na ako sa room. Wala naman akong gagawin dito," pahayag nito at dali-daling tumalikod sa amin.

Gabrielle sighed. "Kaumay kausap," nagkamot siya ng batok. "Pasensya na, Insan! Pikunin lang siya pero mabait 'yon. Magugustuhan mo rin siya... soon."

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon