75

4 1 0
                                    

Samut-saring tunog ng sirena ang siyang umaalingawngaw sa lugar kung kaya’t napabalikwas ako ng bangon matapos mahulog mula sa mataas na palapag.

Puta! Ang sakit ng bewang ko!

Tinapik ko ang aking dibdib sa sunod-sunod kong pag-ubo. Napahawak ako sa pader upang makatayo ng maayos. Kita kong kumakapal pa lalo ang usok at halos wala na akong makita sa paligid.

Akala ko mamamatay na ako. Mabuti na lang damuhan itong nabagsakan ko kung kaya’t hindi pumutok ang ulo ko.

“T-Tulong!” sumigaw na ako nang hindi na ako makahinga ng maayos. Nandoon ang pagsisisi kong dapat hindi na lang ako humiwalay kay Aven. “Saklolo!”

Hinagilap ko ang lalaking demonyong kasabay kong tumalon. Mabilis kong naman itong nakitang nakadapa sa damuhan. Nagmadali akong humakbang palapit sa kaniya upang suriin ang pulsuhan niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang may pulso pa ito. Ngunit mabilis ang pag-agos ng pulang likido sa kaniyang tagiliran.

“Putangina…”

Kahit maraming atraso ang lalaking ito sa akin ay nanaig pa rin ang konsensya ko at pagkaawa. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at pinilas ko ang laylayan ng aking suot para ipangtapal sa tagiliran niya para mapigilan ang pagdurugo.

Maitim ang usok, todo naman ako sa pagwasiwas ng mga kamay ko para mapigilan ang pagpunta ng usok sa akin. Hinihip ako ng ubo na siyang ikinaluhod ko sa lupa. Ang bawat sulok ng mga mata ko ay pinanggiliran ng luha upang manlabo ang paningin ko.

“T-Tulong!” gusto kong isigaw ang lahat ng mga pangalan ng taong kailangan ko pero mauubusan na ako ng hininga. “Gumising ka, Menases! Huwag mo akong tulugan! Parehas tayo mamamatay dito!”

“Kung iyan ay papayag akong mamatay ka,” isang malalim na boses ang aking narinig. Pilit ko namang hinahanap kung kanino nagmumula ang tinig na iyon pero hindi ko maaninag dulot ng makapal na usok. Napaubo akong muli. “It’s too smokey. Let’s go, Rora.”

Isang lalaking nakasuot ng puros itim ang bumungad pero hindi ko makita ang mukha niya. Nahaharangan ito ng itim na tela.

“Bitawan mo ‘ko!” agad akong nagpumiglas nang hawakan nito ang braso ko. “S-Sino ka?! Anong kailangan mo sa ‘kin?!”

“Relax, Rora! I won’t hurt you. We need to get out of this place…”

“Hindi! Dito lang ako! Hindi ako sasama sa ‘yo!”

“Rora! Mamamatay ka rito!”

“Ano naman sa ‘yo?! Anong pakialam mo?! Sino ka bang hayop ka?!” bulalas ko. “Teka… Parang namumukhaan ko ang boses mo—”

“I’m sorry, Rora,” saad ng lalaki at sunod kong narinig ang sunod-sunod na pagpisik. Agaran akong napatakip ng ilong at bibig nang may malanghap na matapang amoy. “You need to sleep for a while.”

“Pusanggala…”

Tuluyan akong nanghina. Unting-unting namanhid ang buo kong katawan kasabay pa no’n ang pagbigat ng mga talukap ng aking mata. Bumulagta ang aking katawan sa lupa. Ang lalaki naman ay tumungko at marahang hinaplos ang aking mukha.

“Sleep, Rora… Sleep for a while,” dinig kong wika niya. Tila may dala siyang mahikang nakakahipnotismo dahil pabigat nang pabigat ang talukap ng mga mata ko. Ngunit bago pa man ako mawalan ng ulirat, narinig ko pa ang huli niyang pahayag. “Damputin ang lalaking iyan. Hindi ko mapapatawad ang lahat ng mga taong nanakit sa kapatid ko… Kunin niyo siya at siguraduhing hindi siya makakatakas sa aking mga kamay…”

Hindi ko lubos maisip na pati sa panaginip ko ay tumatakbo ako sa gitna ng isang gusali kung saan napapalibutan ito ng makakapal na usok at nag-aapulang apoy.

MADNESS IN LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon