50

14 3 1
                                    

"Rosane!"

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa gate nang umalingawngaw na ang tinig ni Aven sa parking lot. Napahawak ako nang mahigpit sa strap ng bag ko. Nakita ko itong nagpaalam sa driver niya at saka dali-daling nagtatakbo papalapit sa akin.

"Let's talk," habol hininga niyang wika. "Mabuti na lang at naabutan kita rito. May sasabihin ako sa 'yo."

Matapos i-check ang bag naming dalawa. Inaya niya ako sa field. Kung saan walang mga nakatambay na tao.

"Ano iyon, Aven?"

May kinuha siya sa bulsa ng bag niya. Isang short envelope. Inabot niya sa akin iyon. Lumingon ako sa paligid bago ko buksan iyon.

Bahagya akong nagulat nang makitang mga litrato ko iyon habang buhat-buhat ni Ashio pababa ng hagdan. Kapansin-pansing nakamasid si Mayen sa paligid.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" may bahid ng inis ang tono niya. "Bakit hindi ka man lang humingi ng tulong sa aming mga kapatid mo?"

Hindi naman ako sumagot.

"Ano? Ganito na lang? Palalampasin mo na lang ang mga kagaguhang ginagawa sa 'yo ng mga hayop na 'yon?!"

Umirap ako. "Sinong may sabing palalampasin ko 'yon? Tanga ba ako? Tangina nilang lahat! Lintik lang ang walang ganti."

Nilamukos ko ang mga litratong hawak ko at tinapon sa bulsa ng bag ko.

"Binura ba nila ang CCTV footages nung araw na iyon? Bakit walang natanggap si Inspector Colima na report mula sa sekyu?! Pusanggala! Anong silbi ng pagkakakabit ng mga camerang iyon?!”

"I guess, they sabotaged it again," wika niya. "Laging may mali sa mga binibigay nilang footages at madalas pang nakapatay ang CCTV."

"Halata namang sinasadya ng mga sekyu iyon," inis kong wika. May nakita akong bato sa paanan ko kaya sinipa ko iyon. Napangiwi ako nang maramdamang kumirot ang binti ko.

Punyeta.

Hindi pa pala magaling!

"Don't worry, Rosane. I will make my move now," bulong niya. Nakita kong tumalim ang mga tingin niya. "Hindi ako magdalawang isip na saktan sila isa-isa..."

"Lumubay ka!" angil ko. "Huwag mo nang idamay ang sarili mo sa gulong pinasok ko."

"Bakit hindi? Magkapatid tayo! Dapat lang na magtulungan tayong dalawa! Kung saan ka, doon ako!"

"Aven, hindi ito simpleng gulo la—"

"I know! That's why I'm helping you!"

"Pero mapapahamak ka!"

"Wala akong pakialam, Rosane! Gusto kong tumulong at hindi ko maaatim na naghihirap ka habang ako nakatunganga lang. Anong klaseng kapatid ako kung gano'n?"

"Aven..."

"I'm willing to sacrifice, Rosane. Mailigtas ka lang sa mga hayop na iyon."

Napitlag ako. Dumiretso ang tingin niya sa akin. Hindi ako nakakilos agad.

What the hell is he saying?!

"I'm willing to sacrifice everything..." bulong niya pa sabay gulo sa buhok ko. "Bye, see you later..."

"Wait!"

"Bakit?"

I sighed heavily. "Hindi ba't na-track mo na ang location ng kinginang killer na iyon?" tanong ko. Natatandaan kong sinabi niya iyon sa akin noon. "P'wede mo bang sabihin sa akin?"

"Sorry, Rosane. It was a lie..."

"W-What?!"

"Nagsinungaling ako, hindi ko talaga na-track ang location niya. Ginawa ko lang iyon para mapalapit ka sa akin pero nagkamali ako. Lalo ka pang lumayo sa akin."

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now