16

16 5 0
                                    

Kalahating oras na ang lumipas simula nung dalhin nila ako sa Guidance Office. May dalawang SSG officers kasi ang nakakita sa ginawa kong pagbigwas kay Gariel. Pinatawag tuloy nila ang magulang nito na siya ring tumatayo kong guardian.

“Miss Beindz, this is the last time na makikita kita rito. Ayokong maulit ito. Malinis ang record mo at kung ayaw mong marumihan iyon hindi ka na uulit pa."

Hindi ako kumibo sa sinabi ni Mrs. Delman. Nakayuko lamang ako simula nang dalhin nila ako rito. Nahihiya ako, hindi para kay Mrs. Delman. Kundi ay para kay Tita Ginnie. Nagbigay pa ako ng sakit ng ulo...

“Ako na ang humihingi ng paumanhin, Mrs. Delman,” dinig kong wika ni Tita Ginnie. “Hayaan niyong patawan silang dalawa ng parusa.”

“Mom!” angil ng anak. “It's all her fault! She punched me as you can see.” 

“I-uuwi ko na muna silang dalawa, Mrs. Delman. Kailangan ko silang kausapin.” Naramdaman kong tumayo si Tita Ginnie kaya nag-angat ako ng tingin. “Sane, Gariel, let's go.” 

Muli itong nagpaalam sa guidance councilor. Kaagad naman akong sumunod nang lumabas ito. Wala kaming imik sa isa't isa hanggang sa makasakay kami ng sasakyan. Masasamang tingin naman ang pinupukol ni Gariel sa akin habang nasa biyahe kami. 

“Sorry, Tita Ginnie,” sinseryong wika ko. “Sorry rin sa iyo, Gariel…”

“Sorry your face!” 

Gusto ko siyang bigyan ulit ng suntok nandoon na ang hiya sa akin. Nabangasan na nga ang gwapo niyang mukha. Uulit pa ba ako? Eh 'di lalong nag-alburoto iyon at baka maibalibag ako. 

“Kasalanan mo ang lahat! Malas ka!” 

“Stop it, Gariel Ry!” Nakita kong pinalo nito ang braso ng anak. “Kailan ka pa naging gan'yan ang pananalita mo? Kailan pa naging matabil iyang dila mo? Tinuruan ba kitang maging gan'yan?!” 

Napapitlag ako. Ngayon ko lang nakitang binulyawan ni Tita Ginnie ang anak niya. Gariel looked so shocked but I saw tears on his eyes. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya, nagmadali siyang umiwas ng tingin. 

“Tell me, Gariel?! Did I teach you to be like that? Did I teach you to be rude?! Answer me,” mariing wika niya. “Speak, Gariel Ry Aeñoso!” 

“M-Mom...” 

“Did I teach you to be rude?” 

Gariel shooked his head. “I'm sorry...” paghingi niya ng tawad. “I was just pissed... I didn't mean to threw—” 

“I've told you, Gariel. Never ever be a bastard.”

“I'm sorry—”

“Marami akong iniisip, Gariel! Huwag na kayong dumagdag pa!” 

Napayuko ako sa biglaang pagpagbuhos ng emosyon ni Tita. Ngayon ko lang siyang nakitang sumigaw ng gano'n. Nanggagalaiti siya at parang gustong manakit. 

“Namatay na nga si Gabrielle tapos magpapatayan pa kayong dalawa! Ano?! Susunod kayo sa kaniya?! Sabihin niyo lang at babarilin ko na kayong dalawa!” 

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang pagkabasag ng kaniyang boses. Sunod kong narinig ang iilang paghikbi niya ng mahina. 

Nawalan siya ng anak ng gano'n-gano'n na lamang. Tapos kaming dalawa pa ni Gariel, nagbabangayan. Lalo akong napayuko sa kahihiyan. 

“Walang may gustong mangyari nito kay Gabrielle! Sa anak ko! Sa kakambal mo, Gariel! Sa iyo, Sane na kaibigan mo! Walang may kasalanan! Please, magdamayan na lamang tayo sa pagkawala ni Gabrielle kaysa ang mag-away! Kayo ang inaasahan kong magiging kakampi ko sa labang ito!” 

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now