56

4 2 0
                                    

Dumaan ako sa isang mall para bumili ng ilang cosmetic products. Suot ko na rin ang uniporme ng LSU kahit alam kong dropped out ako ngunit susubukan ko pa ring mag-enroll. 

Besides, nangako si Aven na tutulungan niya ulit akong makapasok sa LSU. Siya na raw bahala sa lahat. 

Kaninang umaga, naabutan ko namang nanonood ng TV si Havier sa living area. Nagtaka siya nang makitang naka-uniporme ako. 

What the hell, Valentina? Are you going to your school? Hindi ba’t dropped out ka na?” 

“Mag-eenroll ulit ako.” 

“Bakit ka pa babalik doon?” 

“Maghihiganti ako, Havier.” 

He hissed.“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” 

“Oo.” 

“Nagwo-worry lang ako dahil baka maulit ang nangyari sa ‘yo noon, Valentina. Tiyak na malalagot ulit ako kay Uncle Azore, idagdag mo pa ngayon na umalis ka ng Japan.” 

Hindi na ako sumagot pa. Sinadya kong hindi magpaalam kay Papa sapagkat malalaman iyon ni Lola, kapag nalaman niya siguradong pipigilan niya ako. 

“Miss, total of 387.65 pesos,” sabi ng cashier. Kinuha ko ang aking wallet sa bulsa ng blazer ko at saka nagbayad. “Thank you, Ma’am. Come again!” 

Tango lang ang sinagot ko at tumungo ako sa pinakamalapit na comfort room. Walang tao kaya malaya akong nakapag-ayos ng sarili. Maputi na ang mukha ko kaya konting bb cream lang ang nilagay ko. Sunod kong nilagyan ng eye liner ang mga mata ko, sakto lang para magmukha akong mataray. Konting eyeshadow at mascara. Nagpahid din ako ng medyong mapulang lipstick sa labi ko. Hindi ko na kailangang magkilay pa dahil makapal naman ang kilay ko. 

Kailangan magmukhang bitchesang-bitchesa ako. Iinisin ko ang lahat ng mga taong nagkakagusto sa akin. Tingnan lang natin kung magpatuloy ang kabaliwan nila sa akin.

“Putcha, mukha akong makikipag-away sa lagay na ito!” 

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang kamay ko. Nasiyahan na ako sa itsura kaya lumabas na ako ng comfort room. May nakasalubong akong babae, nagtaka ako nang umiwas ito sa akin. 

Weird... 

Sumakay ako ng tricycle para makarating sa LSU. Medyo traffic kaya natagalan pa ang biyahe. Nang makarating na ako sa LSU, bukas ang gate at walang guard na nagbabantay kaya kinuha ko na iyong pagkakataon. Nagmadali akong pumasok at nagdire-diretso sa pagpasok. Alas-onse na ng umaga kaya wala pang masyadong estudyanteng nagpakalat-kalat. 

I took my phone and messaged Aven.

Ako: 
Nandito na ako sa school, tapos na ba morning classes mo? 

Aven: 
Five minutes more, magkita na lang tayo sa library. 

Ako: 
Okay. 

Malapit lang ang senior high building sa library. Lumakad na ako papunta roon at inayos ang sarili ko. Bukas ang main door kaya nagtuloy-tuloy ako sa pagpasok. 

Wala ang librarian, kaya tuloy lang ang pagrampa. Nakarinig ako ng ilang bulungan. Dumiretso ako sa paglakad at bumungad sa akin ang isang kumpol na mga estudyante. 

“Who are you?” 

Lahat sila napatingin sa akin, lumapit sa akin ang isang teacher. Natatandaan ko pang naging teacher ko siya sa Integrity.

“Miss?” 

“Po?” 

“I said, who are you? We’re in the middle of the class...” 

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now