73

5 0 0
                                    

AVEN NIÑO AMADEO

“The fuck did you do, Rosane?!” Ilang beses ko pa ring sinusubukang tadyakan ang pinto ngunit hindi pa rin ito bumubukas. “Shit! Shit! Shit!”

My tears ran down on my cheeks. Nakikita ko sa loob na unti-unting natutupok ng apoy ang lahat ng gamit sa loob ng lagusang pinasukan niya.

“Hindi ka pa p'wedeng mamatay!” I burst out. Pinagsusuntok ko ang pinto, tinandyakan, kinalampag ngunit hindi pa rin ito bumukas.

I reached my phone and dialed my big brother's number. He immediately picked up.

“Si R-Rosane nagpapakamatay, Kuya Aveir! I need your help! P-Please save her! I want her to be alive!” my voice is begging. “K-Kuya Aveir, nagmamakaawa ako!”

“What the fuck?! I will go there! I will go there! Call, Asher now!”

He ended the call. Sunod kong tinawagan ang numero ni Kuya Asher ngunit napatigil ako sa pagtipa nang makarinig ako ng ingay.

“Aven!” tinig ni Kuya Asher. “Anong ginagawa mo rito?! Nasusunog na ang buong Drama Club!”

“Kuya...”

“Hanapin natin si Rosane! Kanina pa siya nawawala!”

“She's here, Kuya! Nagpapakamatay si Rosane! Help her, please!”

“Ano?!” Nawindang siya. “Anong sabi mo?!”

“Nasa loob si Rosane, Kuya Asher! Magpapakamatay siya sa sunog!”

He frozed for few minutes. Nang matauhan sinugod niya ang pintuan at pinagsisipa ito.

“Barakuda!” gaya ko, nanggagaliiti sa galit na pinagdidiskitahan ang pinto. “Tangina naman! Lumabas ka d'yan! Hindi p'wede 'to! Huwag mo naman kaming iwan!”

Napaluhod ako sa lupa. Bigong nagbaba ng tingin. Pinagsusuntok ko ang sahig at mahinang napahikbi.

“This really couldn't have happened!”

“Wala bang ibang madaraanan?!” Kuya Asher asked. “Hindi na mabubuksan 'to!”

“N-Natupok na ng apoy ang main door. Mahihirapan kang dumaan...”

“Wala akong pakialam! Kailangan nating mailabas si Rosane!”

Isang malakas na pagsabog ang aming narinig mula sa loob ng Drama Club. Parehong nanlaki ang aming mata ni Kuya Asher nang magsalubong ang aming tingin.

“No!” I shouted at the top of my lungs. “Shit! She can't die yet! She can't! I don't want her to die, Kuya!”

The next things I knew happened, I found myself lying at the bed. Nanlalabo pa ang paningin ko, hindi pa malinaw sa akin kung sino itong nasa paligid ko. Nagkusot ako ng mata, nakita kong nakatayo sa gilid ng hinihigaan ko si Kuya Aveir at Kuya Asher.

“You're awake,” ani Kuya Aveir, ang unang nakapansin sa akin. “How was your sleep? Are you okay now?”

“Nurse!” dinig kong pagtawag ni Kuya Asher. “My brother is already awake!”

Dumating ang nurse na tinawag niya at madaling sinuri ako. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Lumulutang sa ere ang aking isip. Ano ba ang nangyari?

I can't remember anything. What am I doing here? Why am I here?

“Are you okay, bro?” Kuya Aveir asked again that question after the nurse left us. “You want water?”

I shook my head.

“What am I doing here? What has happened?”

“Have you forgotten?” kunot-noong tanong niya. “You passed out.”

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now