47

10 1 0
                                    

Taas noo akong lumakad papasok ng school. Hindi alintana ang mga mapanghusgang tingin at bulungan ng mga impakto't impakta. Dumaan na muna sa locker room para kuhanin ang ilang librong naiwan ko rito nung nakaraan. 

“Tapang ng hiya mo!” si Baklang Maverick ang nagpaingay sa buong silid nang makitang pumasok ako. Nandoon naman ang tingin ng mga halimaw kong kaklase. “Saan ba gawa 'yang makapal mong mukha?” 

Kumo nga tinatamad akong magsalita, hindi ko siya sinagot kahit pa gusto ko siyang suntukin sa mukha. Nagpigil na lang ako. Paggising ko kaninang umaga, pinangako ko sa sarili kong hindi ako gagawa ng gulo o sasali sa gulo. Hangga't maaari, iiwas at iiwas ako. 

“What are you doing here, Rosane?” si Jahm, nanlalaki ang mga butas niya sa ilong. “Sa Friday ka pa p'wedeng pumasok, luka!” 

“Hoy, gaga! Anong pakulo 'to?” tanong naman ni Jorja. “Baka lalo kang mapagalitan dahil d'yan sa ginagawa mo.”

“Gagi, lagot ka kay Mrs. Nalandress. Kahapon pa umiinit ang dugo no'n sa 'yo,” nakanguso pang saad ni Jahm. “Baka mabengga ka na naman niya kapag nagkataong makita ka niya!” 

I rolled my eyes. Nagbuklat ako ng libro saka nagkunyaring nagbasa.

“Are you listening?” Siniko ako ni Jorja. Napunta ang tingin ko sa kaniya. “So, ano? Magtititigan na lang tayo, Rosane? Nasa staring contest ba tayo? Bakit ayaw mong magsalita? Pipe ka bang lukaret ka?” 

Inismiran ko lang siya. Wala akong balak makipag-usap sa kanila. Baka lang mag-init ang ulo ko sa kakatanong nila. 

Dumating ang tagapagturo para sa oras na ito. Gulat ang namutawi sa kaniyang mukha nang makita ako ngunit hindi naman ito nagreklamo at parang hindi ako nakita. 

Malas ko lang dahil may pa-surprise siyang quiz ngayon. Nakakairita! Hindi ako nagreview—Wala nga pala akong notes! 

Mabuti na lang tandaan ko pa ang huling nilesson niya. Sana lang tama ang formulang ginamit ko. 

“Okay, exchange papers now,” utos ni Mrs. Manero matapos ang sampung minutong binigay niya 

Padaskol kinuha ni Jorja ang papel ko at padabog na binigay ang papel niya. Sinulat ni Mrs. Manero ang tamang sagot sa board. 

“Woah, I can't believe this,” bulong ni Jorja habang nagche-check ng papel. “Oh my gosh. Anong nangyayari?” 

“Miss Marzelo, may problema ba?” 

“Wala po, Mrs. Manero!” 

“Magcheck ka lang ng tahimik.”

Binalik ko na sa kaniya papel matapos kong ma-check ang papel. 

“What? 5 over 20? Seryoso ba?” tila hindi makapaniwalang tanong niya.

Inabot niya naman sa akin ang papel ko. Napaangat ang kilay ko. Pusanggala! 

Chineck kong papel ko para siguraduhing tama ang pagkaka-check ni Jorja.

“Who got a perfect score?” nakangiting tanong ni Mrs. Manero. Pansin kong walang nagtaas ng kamay. “Wala, kahit isa?” 

“Si Rosane po, Ma'am!” 

Pinandilatan ko ng mata si Jorja. Bigla kasi niyang sinabi ang pangalan ko. Balak ko kasing hindi ipasa ang papel ko. 

“Really? May I check?” 

Tiim bagang tumayo ako para ibigay sa kaniya ang papel ko saka bumalik sa pagkakaupo. 

“For the very first time, Miss Beindz! You got a perfect score in our quiz. Keep it up!” hindi ko alam kong totoo  iyon o nang-aasar. 

Putek!

MADNESS IN LIFEWhere stories live. Discover now