Chapter 11 - Wands and Charms

52K 1.9K 205
                                    

Chapter Eleven
Wands and Charms

GUMISING kami nang maaga nitong Sabado para sa mahalagang lakad. We're going to buy wands today!

Ito ay matatagpuan sa extension ng malawak na lupain ng MFU, ang Diagon Village—ang community ng Soverthells at Gemlacks. Karamihan sa mga naninirahan dito ay adults na at batikang salamangkero. They're still powerful of course, pero hindi na sila akma pa para mag-aral dahil sa kanilang edad at lawak ng experience. Ang iba sa kanila ay piniling maging professors sa Fortress High. Ang iba naman ay ang nag-aasikaso sa maraming shops sa C-Circle, at ang iba'y piniling mamuhay nang payapa. Kaya ginawa ang Diagon Village ay para sa mga gaya nila.

Dito rin matatagpuan ang iba't ibang angkan ng wizards at guardians. The most dominant ones in the Soverthell domain were the Ernoll, Krialdan, Dashean, Parssey, Gyeza, and Illiondes clans. For Gemlacks, they had the Oretter, Haflux, Cindroso, Jiquas, Vlontir, and Syrwon clans.

Akala ko tuloy no'ng una, walang mga apelyido ang mga wizard. Iyon pala'y mayroon at marami ring pangkat.

Ang kaibahan lang nila sa amin, kilala na nila kung sino talaga sila noon pa sa Magique Fortress. They knew their real names and true identities.

Ang bawat angkan ay mayroon ding kani-kaniyang specialties at expertise. Halimbawa, ang clan na magaling sa potions ay ang Ernoll clan ng Soverthells. Oretter clan naman ang counterpart nila sa Gemlacks.

Sumakay na kami sa isang karitela papuntang Fortress Express dahil off-limits na ang brooms. Extension na lang ang lugar na 'yon kaya hindi na gano'n kalakas ang shield barrier. Kaya kung may masasamang creatures mang sumalakay, doon daw karaniwang unang nagmumula. Nakatatakot. Sana naman ay walang dark sorcerers doon sa pagkakataong ito.

Matapos ang halos labinlimang minuto ay nakarating na rin kami sa istasyon. Bumulaga sa amin ang mahaba't matayog na dingding. Great Wall of Fortress yata ito, ah?

Nagtaka pa akong may guards na nakahilera, pero wala namang mga gate dito para kanilang bantayan.

"Excuse me po. Saan po ang Krialdan community?" tanong ko. Iyon kasi ang clan na gumagawa ng wands for Soverthells. Ang Haflux naman ang counterpart nila sa Gemlacks.

"Doon sa kabila . . ." Tumingala ang isang guard sa itaas na parte ng wall at nabasa namin ang Calle Dashean.

Hala! Wala namang karatula kanina, pero ngayon ay may lumitaw ng carved words sa walls!

Naglakad kami at tinungo ang direksiyon na itinuro ng mga guwardiya at ng karatula.

"Welcome to Calle Krialdan!" Sinalubong kami ng dalawang guard.

"Wands?" payak na tanong ng isa. Tumango naman kami at pumuwesto na siya sa gitna. Tinapik-tapik niya ang dingding sa iba't ibang parte na pinilit kong kabisaduhin, pero sobrang hirap dahil wala namang mga bloke o batong palatandaan man lang.

Maya-maya'y nagkaroon na ng lagusan ang dingding. Pagkapasok namin ay nagsara din agad ito. Nagulat pa kami nina Ellie dahil nandito pa rin iyong dalawang guard.

"Kakambal n'yo po 'yong mga nasa kabilang side ng wall?" tanong ni Ellie.

Bahagya silang natawa. "Kami pa rin ito," sagot ng isa saka payak na ngumiti.

Ang galing! Puno talaga ng hiwaga rito. So bakit pa nga ba kami magtataka?

Napansin ko agad ang kagandahan ng lugar. Mababagtas agad sa tindigan ng Krialdan Soverthells ang pagiging disente at pagkakaroon ng class. Ang mga bahay nila ay gawa sa halong bato, semento, at kristal. Middle and high class kung tutukuyin ko marahil.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now