Chapter 55 - Trigger

23.9K 1K 121
                                    

May nakalimutan pala akong sabihin. Happy Anniversary, Magique Fortress!

Naka-isang taon na pala tayo, nung March 1 pa! Nakakaloka! One year ko na pala itong sinusulat at one year niyo na ring sinusubaybayan. Saludo ako sa mga loyal magpahanggang ngayon! Huhubels. Thank you, Team Tine-apay!

While waiting for updates, you can try my General Fiction story, Find a Way or Fade Away. :)  Keep commenting lang for faster updates. Malapit naman na, kaunting tiis na lang.

xx pixieblaire
==========

Chapter Fifty Five
Trigger

Bumalik na kami sa Prime Kingdom. Agad kong kinandong si Roar na naabutan kong inaayos ang kama ko. Ilang beses siyang nahuhulog sa kama dahil ang liit niya. Sobrang cute niya na para bang mapapangiti ka na lang kahit gaano ka kalungkot.

"Roar, alam mo, ikaw na lang ang tanging masayang bagay na naiwan sa akin. Huwag mo rin akong iiwan ha?" Pagkausap ko sa kanya. He lifted his paws and touched my face. Nakita ko rin ang butil ng luhang namuo sa kanyang napakagandang ginintuang mata.

Sumiksik siya sa balikat ko at niyakap ko lang siya hanggang sa makatulog ako.

I woke up with a headache. Parang nasusuka nanaman ang pakiramdam ko. Uminom na lang ako ng tubig sa katabing mesa.

Nabitawan ko ang baso nang marahas na pumasok si Ellie sa kwarto ko na takot na takot ang mukha.

"Tine! Sumalakay sila!"

"Ano?" Humakbang ako pero nasugatan ang paa ko dahil sa mga bubog.

Hindi na ako nakapagsapatos pa nang tumakbo na kaming dalawa palabas. Umalingawngaw agad ang tunog ng mga espadang nagtatamaan.

May mga pagsabog pa sa iba't ibang lokasyon.

I immediately summoned my sword and wand at nakihalo kami ni Ellie sa mga kawal na ipinadala ni Death.

Pero pansin naming hindi nila nilalabanan ang mga kasamahan namin. "Anong pinupunterya nila..."

Narinig ko ang alulong ng mga aso at iba pang hayop.

Halos tumalon ang mga mata ko nang tuluyan naming mapansin ni Ellie na iyong mga pets ang pinapatay nila.

Nagteleport agad ako pabalik sa aking kwarto at hinalughog si Roar sa lahat ng sulok! "Roar! Nasaan ka?" Tulo nang tulo na ang luha ko at nanginginig ang mga kamay ko paghahanap sa ilalim ng kama, ng mesa, upuan, sa balkonahe, sa lahat!

Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib ko dahil sa kaba at takot. Nagteleport agad ako pabalik sa labas at humahagulgol na si Ellie... Puro dugo ang mga kamay niya at hawak hawak niya ang wala ng buhay na si Sharkie.

Hinanap ko si Roar sa mga Gemlacks! Para na akong wala sa sarili na naghahanap at patuloy ang pag-agos ng luha ko sa posibilidad na katulad ng pet ni Ellie ay...

Shit! Roar, huwag naman please! Huwag naman! Nagmamakaawa na ako sa kahit sinong panginoon ng buong mundo. Huwag niyo siyang kukunin sa akin.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now