Chapter 44 - She's Back

29.3K 925 123
                                    



Surprise, surprise. Last chapter na kaya ang next chapter? Hmmm.
xx pixie black
==========

Chapter Forty Four
She's Back

Dinala kami ng magic ni Yuan sa Diagon Village. Agad naming tinungo ang Calle Krialdan at doon kumuha ng mga karagdagang armas. Nagulumihanan pa ang iginapos naming si Wizard Wanda.

Kasama ang mga pinadalang kampon ni Death ay nanggulo kami sa buong Village. Panay ang pagpapasabog ko sa paligid. Nabalot ng takot ang buong komunidad. Naturingang mga Walt levels pero walang kalaban-laban sa amin. This Dreyxin-given Gemlack blood is so powerful.

Pinabayaan na namin ang Drakkises at Torcouns sa Village at sunod na naming tinungo ang Constellation Circle.

"Let's turn up the heat." Kumindat pa si Val sa akin bago kami lumipad para sabay naming susunugin ang C. Circle. Ginigiba naman nina Daniel ang mga shop. After that, I left them there 'cause I know they can already handle it.

Dumiretso ako sa Prime Kingdom. Now, time to fulfill my real mission of killing Enchantress Enikka.

Pinatumba ko ang guardians na tagapagbantay ng kaharian with just a flick of my wand and fingers. Inakyat ko ang tower para bisitahin na ang aking ina para siguruhing magtuluy-tuloy na rin ang pagtulog niya habambuhay.

"There you are." I grinned as I saw her still lying on that glass chamber, sleeping.

Lumapit ako at binasag ang chamber. "Sayang lang at hindi mo ako nakitang ganito. Hindi mo nakita kung gaano ako kalakas at makapangyarihan."

Tinransform ko ang aking wand sa isang punyal. Itinaas ko na ito at akmang isasaksak na sa kanyang dibdib nang may marinig akong magsalita, "Do it! Do it now." Halong pag-uudyok na boses nina Dreyxin at Death.

Nakatitig lang ako sa mukha ni Enikka at itinaas muli ang punyal ko. "Anak... huwag. Siya ang iyong ina. Magising ka, magising ka!"

Nagtakip ako ng tainga dahil paulit-ulit kong naririnig ang boses naman ni Diamond. "Huwag mo akong kausapin! Huwag kang magsalita!"

"Do it!"

"Huwag mong itutuloy, anak!"

"Cristine, kill her now!"

Inis na inis na ako sa halong mga boses na gumagambala sa akin kaya wala nang pag-aalinlangan kong pinulot agad ang punyal na naihulog ko kanina at tumakbo palapit kay Enikka para saksakin siya direkta sa puso.

Pero tila may batong nakaharang sa kanyang dibdib kaya hindi ko naisaksak ang punyal! Nagulantang pa ako nang nabalot siyang bigla ng puting aura at may lumabas na kung anong spirit mula sa kanya.

Isang transparent dragon at nagpaikut-ikot ito sa akin.

Nabitawan ko ang punyal dahil tila naninigas ang buo kong katawan. "What's happening..." ngatal kong sabi dahil sobrang sumakit ang ulo ko at lumiliwanag ang paligid ko. Napasigaw ako sa lakas ng pwersang nanggagaling mula sa kanya. Sobrang sakit na parang pinapatay ang loob ko. Hindi ko mahinuha ang klase-klaseng pakiramdam na ito.

Pagmulat ko na lang ay yakap na ako ng isang babae, at hindi ko namalayang umiiyak ako sa balikat niya.

"Baby ko... tahan na."

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tiningala ko ang babae, si Enikka.

"Ina?" mahina kong pagtawag sa kanya dahil basag ang boses ko sa pag-iyak.

Tanda ko lahat. Tandang-tanda ko. Napasailalim ako sa kapangyarihan ni Dreyxin at nawala ako sa aking sarili. Sunod lang ako nang sunod sa utos nina Death. Nagbago ang ikinikilos ko at naging masama akong nilalang. Hindi ko makontrol ang ginagawa ko. Pero sa loob-loob ko ay nagsusumigaw ako dahil ayokong gawin ang mga itinutulak ng katawan ko.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon