Chapter 10 - Distance

47.4K 1.7K 171
                                    

Chapter Ten
Distance

RIGHT after history class was dismissed, Val walked out of the room. I wanted to talk to him, but he was ignoring me. Maybe I should do the same.

Tumabi ako kay Yuan nang magsimula si Professor Westpenne sa lecture sa Flyology. Ayaw ko nang isipin pa si Val na wala rito sa klase kaya nagseryoso ako sa lesson—ang pagkontrol sa isang broomstick.

Sabi ni Sir, ituring daw naming parang pet ang mga broom dahil hindi lahat ay maamo. May ilang mga salbaheng broom. Ibig sabihin, parang may sarili palang utak ang mga ito. Pero kasabay n'on, natakot din ako. Baka kasi ang mga broom na magamit ko rito ay salbahe o kaskasero pala! Jusko! Jeep yarn?

Buong klase ay nag-ensayo lang kami sa pagpapalutang sa kanila. I was able to divert my attention to more important things. But for the record, I treasured my friends a lot, so I would get easily upset when things got misunderstood between our friendship. Kaya siguro ganito na rin ang sama ng loob ko nang bigla na lang siyang hindi mamansin.

Dumeretso kami ni Yuan sa Kierre's Hub matapos ang klase kung saan naghihintay sina Ellie, Sage, at Daniel.

"Tine, bakit kaya 'di pumasok si Lover Boy sa klase kanina, 'no?" tanong ni Yuan na ayaw ko sanang sagutin dahil hindi ko rin naman alam.

"Ewan. Nauna naman siya umalis sa atin kanina sa history class," seryoso kong sagot habang nakapila sa pag-order ng pagkain.

Kung alam lang nila, Valentine and I were silently building a bridge between us, keeping distance from each other. I just didn't know who would cross the bridge first . . . or not anymore.

Panay ang kuwentuhan nila habang kumakain kami. Buong pagpupunyagi naman akong nakikinig para hindi nila mapansing wala ako sa mood dahil hindi ako pinapansin ni Valentine Archangel!

"Nakakaloka talaga! Ngayon pa lang, nai-stress na ako. Two battles just in one year! Kapapasok lang natin sa eskuwelahang 'to. Hindi kaya parang ang bilis naman masyado? We don't even have enough background in battles," daing ni Ellie habang nilalantakan ang chicken wings.

Pero pareho kami ng nararamdaman. Bagong salta pa lang kami rito, pero isasabak na kami sa tunggalian.

"Oo nga, eh. We're still on the adjustment period. I'm afraid of what might happen. We're too new for this," Sage added worriedly.

"Pero siguro, kaya nila tayo isinabak agad ay para malaman natin kung ano talaga itong pinasok natin. Maybe they really want us to be more enlightened about the world we used to live in." Nagkibit-balikat si Yuan sabay nakilahok sa fries ni Ellie. "Ikaw, pare, sa tingin mo?" sabay mahinang siniko si Daniel.

"Hoy, kanina ka pa kuha nang kuha ng fries ko. Palitan mo ng milk tea 'yan, ah!" reklamo ni Ellie kay Yuan. Tumawa naman ang loko dahil nahuli na siya sa akto.

"Ang sa 'kin naman, hindi na nila kinonsider na baguhan tayo. Nakalimutan n'yo na ba? Galing na tayo rito. Mga reincarnation lang tayo. Ibig sabihin, nahihimbing lang ang mga totoo nating kakayahan. Pero simula't sapul, malalakas na talaga tayo. Nakalimutan lang natin kung paano. Saka exciting kaya ang battles! Hindi na nga ako makapaghintay. Gusto ko nang makipaglaban!" sabi iyon ni Dan na hinawakan pa ang kaniyang kamao.

May point nga si Daniel. We're originally strong, yet I couldn't help but question myself if I was even worthy to be called strong.

"But I think, it's still too fast. Kahit dati na tayo sa mundong ganito, na- reincarnate tayo at nakalimot. At 'pag sinabing reincarnation, it also means start. We still need to once again start with the process. After all, we're back to zero. Kasi minsan, kapag binigla ang mga bagay-bagay, kadalasang hindi nagiging maganda ang resulta. They also put all of us at risk which may be a potential problem again for them. But on the bright side, we will really learn."

Bakas sa kanilang mga mukha ang halong pagsang-ayon at takot sa sinabi ko. I was just hoping that when that day would come, we would all be ready. 

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon