Chapter 36 - Time Travel

29.9K 1K 124
                                    

Chapter Thirty Six
Time Travel

NAMULAT ako sa isang banyagang lugar na no'n ko lamang nakita. From the classic sculptures of the open colosseum, I could tell that this was the Charmer's Stadium in Magique Fortress. Ang open stadium na ito ang pinagdarausan ng mga malalaking paligsahan at pagdiriwang na naging parte ng maraming kasaysayan sa aming dimensiyon.

The crowd was full as they were cheering. Natanaw kong mayroong mga nilalagyan ng korona sa harapan. I was struggling to see them for everything here was a blur. Yet, I was certain that they were the Four Legends who had been proclaimed as part of the Royalties.

Tumakbo ako sa gilid para lalong makalapit. But just as when I was near them, nilamon akong bigla ng liwanag at napunta na sa kung saan. But before I disappeared, I heard them cheering a name—it was Prince Lyndon.

Kinusot ko ang mga mata ko mula sa pagkakasilaw sa liwanag at naabutan ang sarili kong natatakluban ng mga bulaklak. Tumayo ako at napansing narito naman ako sa isang malaking piging. 

Isang kasal!

Pinagpag ko ang mga bulaklak sa aking damit at sumama sa mga kababaihan. Nagsuot din ako ng flower crown para makibagay sa flower girls.

Nang tingnan ko ang lalaki sa harapan ay napatulala akong bigla.

"Ang guwapo!" hindi ko napigilang sabihin. Napatakip tuloy ako ng bibig. Nakakahiya, Tine! 

Nginitian ako ng mga katabi kong babae. "Ang guwapo ni Prince Stefan, 'no?"

Kung gano'n, Stefan ang pangalan niya at sigurado akong isa siya sa Four Legends! Kanino kaya siya na-reincarnate?

Bumukas na ang engrandeng pinto bilang hudyat na papasok na ang bride. 

Tila bumilis ang takbo ng oras dahil bigla na lang nagkagulo dito at tumakbo si Prince Stefan sa may pinto. Ano bang nangyari? Bakit kasi nagfa-fast forward bigla ang oras! Teka! Hindi ko pa nakikita ang bride! Hindi pwede 'to! Tumakbo na ako at susunod sana sa pintong 'yon nang bigla nanaman akong sabugan ng liwanag. Nako naman oh!

Namulat akong muli sa panibagong lugar. Napaatras akong bigla sa kasalukuyang nasasaksihan. Tumingala ako dahil sa malakas na puwersang nanggagaling mula sa tuktok ng bundok. It was the exact time when the four were fighting! 

Humanap ako bigla ng paraan para makaakyat doon. Mabilis ngunit maingat kong inakyat ang mga bato. Wala naman akong dapat pagtaguan ngayon dahil ang wala na akong ibang makitang nandito.

Kaunti na lang at makikita ko na ang Four Legends!

Pero sa isang iglap sumabog na ang bato. Napasigaw ako sa pressure ng kapangyarihan na sumaklaw sa buong Fortress. Napatilapon pa ako sa pinanggalingan ko kaya dumaing ako sa sakit. Pinilit ko lang na magmulat at ituon muli ang atensyon sa kanila at ang tanging nakita ko na lang, mula sa bato ay lumabas ang mga dragon - ang mga dragon na sinabi ni Kierre noon! Dragons of Fortress values; love, happiness, wisdom, and courage.

Pero ang inaakala kong Four Dragons lang, na ayon sa sinabi ni Kierre, ay hindi totoo.

Ibinalik na ako ng liwanag sa time capsule. Tulala pa akong nakaupo sa silya at nakatitig lang sa mga numero.

Nahati ang bato sa anim na dragon. Kanino napunta ang dalawa pa?

At ang pinaka kinababahala ko... may nakita akong itim na dragon. Ano ang sinisimbolo non? Ano ang isa pa? At kanino napunta ang dalawa?

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

Yuan's POV

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now