Chapter 4 - Pets and Legends

63.7K 2.4K 446
                                    

Chapter Four

Pets and Legends

"I AM Cristine Aria Sylvestre—Tine na lang for short. Nix Soverthell Wizard," pagpapakilala ko sa kanila.

"Pareho tayo! Ellie Manuelle Bernardo nga pala," aniyang nakangiti.

"And I'm Sage Abuel. Nix Gemlack Guardian naman ako."

Inilibot nila ako sa kuwarto namin na saksakan ng laki at may tatlong princess-like beds. Napukaw rin ang pansin ko ng isa pang malaking pintuan na tingin ko ay lagusan para sa balkonahe. Na-curious ako at siguro ay bahagya nila itong napansin kaya naman binuksan nila ito at agad akong napanganga sa aking nakita.

"Tadah! Welcome to our magical garden!" masayang sigaw ni Ellie.

Ang inaakala kong balkonahe ay isa palang malawak na hardin na mayroong maliit na lawa, mga puno, at mga bulaklak na nakapalibot sa buong sukat.

Mas ikinamangha ko na ang garden balcony na ito ay walang ceiling, talagang kalangitan ang titingalain sa itaas kung saan ko nakikita ang araw na ngayo'y palubog na. Lubos ko itong ipinagtaka dahil 4th floor lang ito kaya dapat ay may palapag kami sa itaas ngunit tila ba kami ang nasa rooftop.

"Kami rin kahapon ay amazed na amazed!" Nabasa siguro nila 'yong ekspresyon ko. "Sabi sa amin ni Miss Arlette, sadyang ginawa raw na ganito ang bawat garden ng rooms na parang open garden talaga. Sobrang ganda!"

"Speaking of maganda, wait 'til you see our closets! Tara, tingnan natin 'yong sa 'yo, dali!" Hinila ako ni Ellie pabalik sa room namin.

Tatlong malalaking closet ang nasa isang wall dito. Binuksan ko ang closet sa gitna at tumambad sa akin ang maraming damit! Ang gaganda ng mga dress at panalo ang mga ito na pang-awrahan!

"I really like our uniforms, too," dagdag ni Sage. A knitted top and plaid skirt with perfect shades of gray and some streaks of gold, matching a slim white belt and black cape. Sa sobrang excited namin ay agad namin itong kinuha saka sinubukang sukatin. We were busy trying it on when we heard some noise from our garden!

"OMG! Maybe it's them!" Nagmadali sila sa garden.

Nagitla ako nang tumili ang dalawa kaya napasunod na rin ako. Asus! Akala ko naman kung ano na ang nangyari. 'Yon pala ay may white swan na sa lake na nilalaro ni Ellie. Si Sage naman ay may katitigan na ring isang kuwago. Wait! These might be the pets they have mentioned!

"Ano kaya'ng ipapangalan ko sa kaniya? Aha! Hello there, Sharkie!"

Natawa ako kay Ellie sa ipinangalan niya sa swan. Lumipat naman ako kay Sage na hinihimas ang likod ng black owl. "Wow! Ngayon lang ako nakakita ng kuwago," sabi ko sa kaniya.

"Tine, meet Chinito."

"Seryoso ka, 'te?" pagsingit ni Ellie kaya nadala ako sa halakhak nila.

Siguro ay bukas pa darating 'yong akin. Nakipaglaro na muna kami kina Sharkie at Chinito hanggang sa dapuan na kami ng gutom at nagpasyahang pumasok na pabalik sa loob. Maghahanda na rin sana kami palabas para kumain ng dinner ngunit pagbalik namin sa kuwarto ay natigilan ang dalawa.

"Teka, may stuffed toy, oh! Wala niyan kanina, 'di ba, Ellie?" tanong ni Sage.

Umupo ako sa kama ko at tiningnan 'yong plush toy. I was automatically mesmerized by its golden eyes. "Hala, ang cute naman nito!" Kinuha ko 'yon at laking gulat ko nang gumalaw ito.

Nagpaikot-ikot ito sa kama ko at saka tumalon sa akin na tila batang magpapakarga. Iginiya-giya niya ang kaniyang paws. Nagningning bigla ang mga mata ko sa saya. Umupo siya sa aking palad at tinitigan pa ako ng maamo niyang mga mata.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now