Chapter 8 - Connection

55.8K 1.8K 541
                                    

Chapter Eight
Connection

His lips kissing my shoulder. Parang wala akong maisip na matinong reaksyon doon. Kinakabahan ako dahil baka makita siya nung apat na hinahalikan ang balikat ko. Kulang na lang nga yata, sipsipin niya 'to! Talaga bang nakakagamot din itong ginagawa niya? Halos takasan na ako ng ulirat.

Lumipat pa ng isang halik sa leeg ko. Nagtagal siya doon ng mga limang segundo yatang nakadampi lang ang labi niya kaya ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang hinga. Ano ba ito? Sadyang manggagamot kaya siya o pasimpleng manyak? Huhubels. Hindi ako mapakali.

Hindi ko nga alam na umabot yata sa leeg ko ang pasa. Hindi naman niya siguro hahalikan ang leeg ko kung hindi. Gumapang ang mainit niyang hinga paakyat sa tainga ko. Sa totoo lang kanina pa kami nababalot ng init. Ramdam ko 'yon at alam kong ramdam na ramdam niya rin. Marahil ay dahil pareho kaming may fire element kaya 'pag nagkadikit kami ay lumalakas ang force.

Tama Tine. Kinumbinsi ko ang sarili kong ganon nga dahil ayokong isiping nag-init kaming pareho dahil sa... ibang dahilan.

"What's your next class?"

"Mindtation A, guardian building, room A." sabi ko gamit ang natitira kong lakas. Pakiramdam ko nahulog ako sa tubig at nanghina na lang ako bigla.

"Pareho tayo. Okay lang ba sa'yong hintayin ako saglit? Sabay na tayo."

Hindi na ako nakasagot nang nasa harap ko na pala 'yung apat. Mukhang tumakbo sila papunta dito. Napansin ko pang nagpalipat-lipat ang tingin ni Yuan sa mga kamay ni Val na nasa baywang ko at nasa balikat ko.

Binigay nila agad kay Val ang mga dahon at itinapal na 'yon sa'kin. Dahil sira na ang uniform ko ay isinoot sa'kin ni Val 'yong jacket niya na nasa bag ko habang ganoon pa rin ang aming pwesto. I never thought na malalagpasan agad namin ang intimate proximity o distansya. Ako na ang umunang tumayo dahil hindi ko na kaya ang pwersa.

Kinuha na namin ang mga bag namin. Isinukbit ko ang bag ko pero kumirot ang pasa ko nang kaunti.

Kinuha ni Val ang bag ko at siya ang nagdala.

"Ihahatid na kita Tine." alok naman ni Yuan.

Inunahan ako ni Val pagsasalita, "Magkaklase kami sa next subject. It's okay, Yuan."

"It's okay din Val. Sasama na lang ako sa inyo."

"Yuan male-late ka sa subject natin uy!" sabi ni Ellie.

"Okay lang. Hindi naman siguro ako aabutin ng isang oras."

"Yuan, nakakahiya. Sige na, sabayan mo na sina Ellie. Baka ma-late ka pa. Makokonsensya ako."

"Baka magcollapse ka bigla. Walang mag-c-CPR sa'yo." Sinuntok ko siyang mahina sa braso. Nagtawa na lang sina Ellie.

"Let's go?" tanong sa'kin ni Val. Napatingin naman ako kay Yuan. Naka-pout siya't parang batang gusto talagang sumama.

"Lover boy, 'pag may nangyari pa dyan, yari ka na sa'kin. Lalagasin ko ang balahibo ni Sweet Sue."

Sumigaw kami nina Ellie, "'Waaaag!"

"Ang brutal mo. Okay lang ako, magaling na nga ako, eh. Tignan mo. Oh 'di ba?" nagthumbs up ako sa kanya at mukha namang nakumbinsi ko siya.

Bumulong si Ellie sa'kin, "Naglambingan kayo kanina ni Val huh! Grabe, 'yung view sa dulo, parang yakap yakap ka niya at nilalamon na niya ang leeg mo. Intense grabe! Kung may power of sight lang ako gaya ni Sage, edi sana nakita ko nang mas malinaw. Muntikan na nga akong tumili kanina!" Umangat-baba pa ang kanyang kilay at nakangiti.

Bigla akong namula. "Nakita mo? Paano?"

"Sumulyap sulyap ako. 'Wag kang mag-alala, ako lang nakakita. Tsaka alam ko na 'yang style ni Val. Hindi naman na bago 'yon eh, papaalisin niya kami para gawin niya 'yung gusto niyang gawin... nang kayo lang. Sumulyap tuloy ako, pasimple kong inabangan. Hindi ko lang inasahan na, pauulanan pala niya ng halik 'yong balikat mo. Masarap ba, Tine?"

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now