Chapter 9 - Good and Evil

53.1K 2K 404
                                    

Natatawa ako pagbabasa ng comments sa mga nakaraang chapter, lalo na sa "Chapter 7 -Touch". L na L lang kayo, ganern? HAHAHAHA! Touch pa lang 'yon, huminahon kayo.

V and C! (vote and comment hihi)
==========

Chapter Nine
Good and Evil

"Ano? Magkagalit kayo ni Val?" tanong ni Ellie. Nandito kami ngayon sa kwarto at ano pa nga bang aasahan, daldalan muna bago tulog.

Hinihimas ko naman si Roar na natutulog na sa hita ko. "Ewan ko nga eh, bigla na lang nagwalk-out. May pagka-bipolar ata 'yun."

"Grabe naman, baka moody lang." ani Sage.

"Or, talagang may nasabi ka o nagawa?"

"Wala! Ang ayos nga ng pag-uusap namin kanina, tapos bigla na lang siyang naging ganun. Parang nasasanay naman na ako na palagian na lang siyang aalis ng walang paalam, pero 'yung tipong kausap ko eh, tapos nilayasan ako bigla. Nireregla lang Val ganon? Ang labo niya!"

"Pero alam mo Tine, nahihiwagaan ako sa kanya. Tignan mo, ibang-iba sa kanya si Yuan. Kay Yuan ka na lang!" inangat-baba niya nanaman 'yong kilay niya. "Pero, pa-share ha?" at nagtawa na ang lokaret.

"Siguro may urgent lang na nangyari sa kanya, Tine. More or less, baka may naalala o iniisip lang rin. Ganon naman ang mga lalaki, karamihan tahimik. Iilan nga lang yata ang tulad ni Yuan na loud person. Nae-express niya agad ang emosyon niya, unlike other boys. Usually, fini-filter muna nila ang bawat sasabihin o gagawin nila." madamdaming sabi ni Sage.

"Naks Sage ha. Akala ko pa naman, man hater ka. Pinlano ko na ngang turuan kang lumandi landi nang kaunti, eh." Binato ni Sage ng unan si Ellie at nagtawa na lang ako.

"Hmm, baka nga."

"Yep baby Tine. 'Wag ka kasi dyang praning. Hindi 'yun galit sa'yo, 'no! Hinalik-halikan ka nga kahap-." This time, ako naman ang nambato ng unan kay Ellie.

"Uuuy, naalala! Makatulog ka kaya ngayon? Kagabi kasi hindi ka raw makatulog sabi ni Sage. Nakakakita 'yan kahit patay na ang ilaw!"

I was about to deny it pero wala akong maipangtapal na palusot. "Paano ka ba naman kasi makakatulog non? Unang beses kong ma-experience 'yun 'no! Kung sa inyo 'yon ginawa-".

"Kung sa'kin ginawa 'yon, sinabayan ko na siya sa pag-kiss." Sabay namin siyang binato ni Sage.

"Aray ah! Kanina pa kayo nambabato ng unan! Ouchie!"

Ilang saglit lang ay napagpasyahan na rin naming matulog dahil maaga pa bukas. I emptied my mind pagkahiga. Tine, hindi ka dapat nag-iisip ng kung anu-ano. Tulad sa mortal world, talagang makaka-encounter ka ng iba't ibang klaseng tao kaya normal lang 'yon.

Just go with the flow and don't let yourself encounter the dangerous or toxic ones. Dahil kung magkataon, mae-experience mo rin masaktan.

~

Thursday, History class.

As expected, tahimik si Val. Kumakain nanaman, but this time, burger and... ano 'yon? Energy drink?

Pinapansin naman niya sina Yuan at kinakausap. Nadadaanan din niya ako ng tingin niya. Ganon lang? Dadaan-daanan lang ako ng tingin?

"Huy! Bakit mo siya tinitignan?" panggugulo sa'kin ni Yuan na sinandal ang braso't baba niya sa likod ng upuan niya. "Tag-PG ka ba ngayon? Hindi mo naman sinabi, edi sana pinakain muna kita."

"Ng ano naman?"

"Hotdog at itlog. Meron ako non." Nabilaukan si Val kasabay ng paghampas namin ni Ellie kay Yuan. Si Sage naman sa harap ni Val ay tawa nang tawa.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt