Chapter 34 - Poison Passion

35.8K 1.2K 230
                                    

Paalala ni Aling War Ning: May samting. Haha! Patnubay guyth :)
Vote and comment okies?!
xx pixie blast

==========
Chapter Thirty Four
Poison Passion

Magkahawak kamay kami ni Val na pumasok ng kastilyo. Hindi namin napansin na nasa main hall pala sina Kierre at Lindrenne na napatayo at ngayo'y nakatingin sa magkasalikop naming mga kamay.

Tatanggalin ko na sana, pero hinigpitan lalo ni Val ang kapit sa aking kamay. "Val, ano ka ba?" Gusto niya bang mahuli kami? Akala ko ba ay handa siyang gawin ang lahat para lang manatili kaming magkasama?

"Can you explain that?" matigas na sabi ni Kierre.

No'n ko lang narinig ang boses niyang ganito. My face was now covered with fear. Nagtinginan kaming dalawa.

"We're supposed to call all the guardians for a meeting for tomorrow's quest. What's with you two?" ani Lindrenne. Nahihinuha ko sa kaniyang mukha ang magkahalong pagtataka at takot.

"Answer, Archangel. May relasyon ba kayong dalawa?" seryoso at may awtoridad na tanong ni Kierre. Dahil doon ay napaatras ako, pero hinapit ako ni Val sa baywang.

"Yes," Val answered.

The moment I saw how their faces fell, I felt that my universe automatically became shattered. All of my hopes had flown away, and my fears poured down all over me to the extremities. It hurt to see that everyone around us wanted Val and me apart. 

"You can't. You know that, don't you?" sabi ni Lindrenne na pinipilit maging kalmado. 

"Pati ba naman kayong dalawa? Kanina lang sina Sage at Daniel nahuli naming muntik nang maghalikan, tapos ngayon kayo naman? Alam niyo namang bawal hindi ba?" galit na dagdag ni Kierre. 

Nagulat ako sa sinabi niya tungkol kina Sage at Dan, pero mas nangibabaw pa rin ang lungkot at inis ko kung bakit galit na galit sila sa amin.

"Mahal namin ang isa't isa," matigas na sabi ni Val. 

"Pero bawal nga!" pagdiin ni Kierre.

"Bakit ba bawal? Linawin niyo nga sa amin!" naramdaman ko ang pag-akyat na ng galit ni Val sa sukdulan. Hinawakan ko siya sa kamay. Please, not now.

"Kasi bawal! Magulo na ang buong Fortress! Ni hindi pa nga 'to naaayos 'tapos ngayon, dadagdag kayong mga matitigas ang ulo! It's clear from the very start! You can't be together!"

Kumuyom ang isang kamay ni Val. "Bakit, Kierre? Kung nagkataon bang hindi mo kauri si Lindrenne, pipigilan mo rin ang nararamdaman mo kahit gaano pa kalakas itong itinutulak ng puso mo?" pakikipagmatigasan ni Val. 

Kierre looks taken aback. But it states from his expression that he's now furious. "Iba ang sitwasyon namin! Ang pag-ibig ay inilulugar! Hindi dahil mahal niyo ang isa't isa ay pwede niyo nang suungin ang kahit ano."

"Wala kayong alam. Dahil hindi niyo naman naranasan! Have you ever wonder what it's like to have your one and only chance? Kasi kung hindi pa, ako oo! She's my one and only chance. She's my now or never. She's my take it or leave it. She's my first and last. Kung hindi siya, wala na akong iba pang mamahalin. At kung hindi ngayon, siguradong wala ng bukas at susunod pa." 

Tumingin siya sa akin na nangingintab na ang mga mata. He's fighting. He's definitely fighting right now. 

"Alam kong bawal, pero kapag nagmahal ka ba, napipigilan ng mga bawal ang sarili mo? Ang puso mo? Ang utak mo? Hindi! Hinding hindi! Kapag tinatakbuhan mo, lalong kang hahabulin. Kapag iniiwasan mo, lalong ipipilit sa'yo. Tapos ngayon, paghihiwalayin niyo kami? Sige nga, sagutin niyo. Ano bang ikinagagalit niyo? Bakit ba takot na takot kayo?"

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now