Chapter 6 - Fortress High

60K 2.1K 680
                                    

Mukhang maraming Team Yuan dito. Hmm, ano ba magandang name nila? YuTine? (parang ang bastos nga lang hahahaha)

==========

Chapter Six
Fortress High


"NASAAN siya? Hindi man lang ako nakapagpasalamat," aligaga kong tanong sa dalawa.

"Lumabas siya agad pagkasagip sa 'yo. Pero bago 'yon, itinuro niya si Veronica. 'Buti na lang at alam niya kung sino'ng tumulak sa 'yo," ani Sage.

"Gusto ko sana siyang makita."

"Ano? Gusto mo akong makita, honeybar?" Lumingon ako sa likod at sumulpot bigla si Yuan.

"Hindi na ako sumama kay Daniel sa pagtingin ng iba pang swords. Nakakatamad, eh." Tumabi siya sa akin at inakbayan ako. Ang nakangiti niyang ekspresyon ay napawi agad nang mapansing basa ako.

Alalang-alala niyang tinanong ang lagay ko. Isinalaysay naman ng dalawa kay Yuan ang nangyari at magmula no'n ay hindi na siya tumigil kakukulit sa akin maya't maya kung kumusta na ang pakiramdam ko. Gumamit din siya ng wind element para patuyuin kami ni Ellie.

"Sino'ng sumagip sa 'yo?"

"Si Val ang sumagip sa kaniya, Yuan," sagot ni Sage.

"Ha? Si Lover Boy? Kilala n'yo rin pala siya?"

Nagulat ako sa sagot ni Yuan. "Kilala mo si Val?" pagkukumpirma ko.

"Oo, roommate ko 'yon."

Nagkatinginan kaming tatlo at kinaladkad na siya agad papunta sa dorm nila.

"Siya pala ang gusto mong makita, ha? Akala ko ba ako lang?" Nagbun- tonghininga pa siya na dahilan para magtawanan kaming tatlo. Loko-loko ta- laga 'tong lalaking 'to . . . pero guwapo! Walang-duda.

Dahil sa ginawang kabutihan ni Val ay pinilit ko si Yuan na isama kami sa kanilang dorm para sana personal ko siyang mapasalamatan.

When we arrived at their dorm, which was just across ours, a guy welcomed us in the front desk. I guess he's a counterpart of Miss Arlette. "Welcome back, Prince Yuan and . . . friends?" He smiled as he also acknowledged our presence.

"Thank you, Mister Emerson. This is Tine, Ellie, and Sage—my girls," sagot ni Yuan at saka siya nagkibit-balikat.

"Yabang, ha?" sabi ko habang si Ellie ay hindi napigilang hampasin sa braso si Yuan. Nagtinginan kami ni Sage dahil parang makahulugan ang haplos ni Ellie. Natawa na naman ako sa pinaggagawa niya.

Pumasok kami sa teleport-vator at pinindot ni Yuan ang letter E. Kumatok siya sa room E-Four, pero walang nagbubukas. "Naku, mukhang wala pa siya, ah? Kahit kasi alam niyang automatic 'tong pintuan, 'pag kumatok ako, lagi pa rin niya akong pinagbubuksan," sabi niyang medyo natatawa.

Inilapat na ni Yuan ang kaniyang palad sa pinto at kusa na itong nagbukas. Napangiti ako nang maisip na malamang ay pinagtri-trip-an niya si Val.

Malugod kaming pinatuloy ni Yuan sa loob ng kanilang unit na tulad ng amin ay engrande rin. Mas panlalaki nga lang ang ambiance dito. Sinalubong kami ng pet ni Yuan na isang white rabbit.

"Hala! Ang cute ng pet mo!" Binuhat ko ito, pero mukhang ayaw niya sa akin dahil hayun at nagtago sa likod ni Yuan.

"S'yempre, mana sa amo, eh." Kunwari pang naningkit ang mga mata ni Yuan kaya binato ko ng unan.

"Utot mo blue! Kung ano'ng ligalig ng amo, ganoon naman kamahiyain ng alaga," ganti kong natatawa.

"Mag-set naman tayo ng hangout minsan kasama ang mga pet natin!" suhestiyon ni Ellie.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now