Chapter 32 - Give and Take

36.3K 1.1K 277
                                    

Thank you to all the messages. Gumaling yata ako dahil sa inyo, though nagme-meds pa rin ako. Flying hugs to Team Tine-apay!
xx pixie blood
(lahat ng puns ko like "pixie b___" ay related sa mga chapter kung napapansin niyo. Haha pero hindi naman lahat. Sana lang 'di ako maubusan ng mga pun.)
==========
Chapter Thirty Two
Give and Take

NAGING maayos ang aming bakasyon at ang highlight ko nga siguro ay ang pagkakasundo nina Val at ng ama niyang si Ginoong Thadeo. He didn't disclose to me the details of their talk, pero ang mahalaga ay

ayos na sila. Naayos na rin ang water dam ng Gemlacks sa tulong ng bayanihan ng Water Elementors at iba pang students.

Wala ring kababalaghang nangyari buong bakasyon. Gayunman, imbes na mapanatag ay tila mas namayani pa rin ang masamang kutob sa akin.

Dumaan ang limang buwan at nakatutok lang kaming lahat sa pag- aaral. Ito ang ikalawang taon namin sa Fortress High kaya lalo naming pinagbubutihan. Masasabi ko rin na mas naging pursigido ang mga kaibigan ko. 

Sa lovelife naman, wala akong problema. Masaya kaming dalawa ni Val kahit patago lang. Sa kwarto lang kami nakakapagpahayag ng damdamin sa isa't isa. Hindi kasi kami pwedeng lumabas na nakaholding hands, hindi niya rin ako mayakap nang matagal at mahalikan in public, at hindi namin pwedeng ipakita sa lahat na nagmamahalan kaming dalawa dahil paniguradong gulo ang mangyayari.

Naging maganda pa rin ang samahan namin ni Yuan, at ganoon rin sila ni Val. Silang apat nga ay tinutulungan kaming pagtakpan ang aming relasyon. Aaminin ko, mahirap dahil hindi kami malaya, pero gaya ng pangako sa isa't isa ay ipaglalaban namin ito kahit anong mangyari.

Last day na namin ngayon at kakatapos ng isa naming exam. Magkaklase kami ni Ellie at dahil break namin, didiretso muna kami sa Hub at iintayin ang barkada.

"Excuse me." Pagtawag sa amin bigla ni Professor Finn na nakasalubong namin sa hallway.

"Good afternoon Professor." Bati namin ni Ellie.

"Are you friends with Mr. Archangel?" tanong niya sa'min. Bigla akong kinabahan. May alam na ba siya tungkol sa'min?

"Opo."

"Good! Sinong pwedeng sumama sa'kin ngayon in his class?"

"Bakit po? Ano pong nangyari kay Val?" bumakas agad sa itsura ko ang pag-aalala.

"He's in trouble, young lady." Namutla ako sa sinabi niya. Katapusan na ba namin? Kumaripas kami ng takbo ni Ellie para sundan si professor.

Pagkarating namin sa classroom ay hinila agad ako ni Sir at dinala sa harapan. Nakakahiya. Nahagip agad ng tingin ko si Val na napatayo sa gulat na nandito ako at dinala ni Sir.

"Mr. Archangel, friend mo siya hindi ba?"

Tumango si Val, naguguluhan rin tulad ko.

Bumaling ang tingin sa'kin ni Sir, "As you can see Ms. Sylvestre, right? Ayaw makipagcooperate ni Archangel sa practical exams. Looks like ang mga mahahalaga lang sa kanya ang gusto niyang tulungan sa misyon niya bilang guardian. Okay naman siguro sa'yo na tulungan siya hindi ba?"

Anong klaseng tulong? Anong misyon? Ano bang practical exam niya? Bakit 'di niya sinasabi sa'kin 'to?

"Opo, Sir."

"Good choice!" pagkasabi-sabi niya non ay may itinusok agad siya sa leeg ko. Nanigas ang katawan ko at unti-unti kong nakikita ang pag-itim ng mga litid ko sa katawan. Para ring pinuputol ang lalamunan ko dahil hindi ako makahinga.

Agad na lumapit sa'kin si Val at idinampi ang labi sa akin. Naintindihan ko na ang lahat. This is a lesson of a guardian's kiss, at mukhang ayaw niyang gawin ito sa iba kaya napilitan si Professor na kumuha ng kaibigan niya.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now