Chapter 37 - Ghosts of Tomorrow

31.4K 1K 169
                                    

Chapter Thirty Seven
Ghosts of Tomorrow

Daniel's POV

"Wow, Daniel. Ang galing mo na makipaglaban. I mean, that sword fight with Zeke was just so cool," pagpuri sa akin ni Bethany kasabay nang pagpulupot niya sa braso ko.

Alam ko. Alam na alam ko ang ginagawa niya. She's flirting with me, obvious naman. After Val, ako naman ang natripan niya. Yes, Bethany's hot. Mula pa lang sa nadudungaw kong malulusog niyang kinabukasan, she's really a good catch. Pero mas gusto ko pa rin ang kay Sage, perfect fit in my hands.

Oh woman, don't mess with someone taken.

Baka ibaon siya sa hukay ni Sage kapag nakita niya 'to. Hell, I love that girl. And I miss her so much.

Last month kasi ay nawala na ang mind telepathy naming dalawa. Balita ko mula kina Wizard Lenondale, nasa mundo ng mga tao na ang guardians kaya it's impossible to talk through minds for now.

"Salamat Beth. Uhm, sige una na muna ako. Probably to the gym." palusot ko.

"Kakatapos mo lang sa training mag-gym ka naman? Are you killing yourself? Tara, kain muna. I know a place." Persistent. Paano ba siya na-handle ni Valentine? Siguro kailangan kong magpaturo pagdating sa pagpapasensya sa mga babae.

"Sorry Beth, I'll pass. Hindi pa naman ako pagod. No time to chill."

"Alright Mr. No Chill. Goodluck! Next time, maybe?"

I sighed, pero sa utak ko lang. "Sure, next time."

Crap. Sage's going to kill me.

• ˚ •˛•˚ * • ˚ ˚ ˛ ˚ ˛ •

One month na lang ang natitira sa quests bago ang Judgment Battle. I could say that I had gotten stronger for the last two and a half months.

Iyong tatlo kaya, kumusta? Nakapagtataka kasi ang tagal ko nang hindi sila nakikita. Nagpapakadalubhasa kaya 'yong mga 'yon? Baka magulat na lang ako, kamukha na ni Albert Einstein si Yuan. 'Di ko ma-imagine!

Speaking of Yuan, mapuntahan nga ang mokong. Baka may kalantaryo na pala kaya missing in action. 

Pumasok ako sa White Castle at inakyat ang kwarto ni Yuan.

Wala siya rito. Lalabas na sana ako nang may maapakan ako. Isang puting libro.

Bilang initial reaction, nag-isip muna ako bago sana buksan ang misteryosong libro. Umupo ako sa kama ni Yuan at sinuri ito. Walang sulat sa front cover nito. Gano'n din ang likuran.

Hmm . . . something's strange.

Kinuha ko ang wand ko at nag-chant ng reveal spell. Lumabas ang mga salitang past, present, and future sa harap nito. Sa likod naman ay may mga nakapa na rin akong salita. Doon ay nakumpirma kong isa itong time travel book.

Patay, baka binuksan ni g*go at hindi siya makalabas! Siraulo talaga 'tong si Yuan. Minsan, ang talino, minsan din, ang bob*. Mumurahin ko nga 'to mamaya.

Sinimulan kong basahin pa nang maigi ang nasa likod. Pagkatapos kong bigkasin ang huling salita ay lumutang ang libro at lumiwanag.  

At lumabas roon si Yuan, kasama sina Tine at Ellie.

Nakalupasay sa sahig ang tatlo at nagtinginan kaming apat na parang mga timang. Tumayo sila at dinamba ako sa kama. As expected!

"Waaaaah! Papa Dan! Muntik na akong lamunin ng halimaw kanina! Savior ka!" pagsakal sa akin ni Ellie ng yakap. 

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now