Chapter 35 - Quest of Questions

35.8K 1K 120
                                    

Chapter Thirty Five
Quest of Questions

Nagising ako kinaumagahan na maaliwalas ang pakiramdam. Naabutan ko si Val na mahimbing pa rin ang tulog sa aking braso - nakayakap at nakadantay sa'kin like he's so scared that I'll disappear beside him.

Napakaamo ng itsura niya. Nag-init ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kagabi. Hinawi ko ang buhok niya at kaunting galaw ko lang ay nagising siya agad. "Good morning." bulong ko.

Agad kong nasilayan ang ngiti niya kahit medyo nakapikit pa. He gave me a quick smack. "Good morning baby cheesecake. Are you still hurt? What do you feel?"

Bumango't umupo na ako habang hawak hawak ang kumot. "Ayos lang ako, Val. Aalis na kayo in few hours, ah? Maghanda ka na." Casual kong sabi pero ang totoo'y lunod sa lungkot ang mga salita.

Niyakap niya ako at hinila ulit pahiga. Siniksik niya ang mukha sa leeg ko, "Ayokong sumama. Ngayon pa. I can't. I don't want to go. Itago mo ako sa kanila. Please..." Haaay. Mamimiss ko ang panlalambing niyang ganito.

Bumangon ulit ako. "Hindi pwede. This quest is a must, Val. It's part if being a Cryst level. Kahit ayaw natin, wala tayong magagawa."

"Pero kahapon lang pinagtangkaan ka nanaman. I cannot risk that. Hell no! I'll talk to them, I can't leave you like this. Hindi ako mapapalagay." ginulo niya ang buhok niya at litong-lito pero gwapo pa rin. Oh burn.

Hindi ko madadala sa patigasan si Val kaya lumapit ako't yumakap sa kanya. I hope this'll work.

"I'll be fine. Ganito na lang, kapag may nangyari ipapaalam ko sa'yo agad. I'll find a way. I'll tell the Royalties or we'll use mind telepathy. Malakas naman ang bisa ng mind connections natin 'di ba? Promise Val, I'll be strong. Kaya i-promise mo din na ligtas kang makakabalik dito. Okay?" pagkumbinsi ko sa kanya pero tinitignan niya lang ako, still doubtful and worried. "Hmm? I promise I'll be alright." Not.

He sighed in defeat. "Nako kung 'di lang kita mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na-." Tinusok ko na ang pisngi niya at nagtawa.

He tips my chin up, "Alam kong matigas ang ulo mo pero nag-promise ka ah, we will find a way to send news sa isa't isa. Tsaka pababantayan kita kina Yuan at Dan. Pero 'wag kang masyadong close kay Yuan ah. Baka bumalik ako ng 'di oras."

"Opo daddy Val." I smiled and we bid I love you's.

Nasilayan namin ang dugo sa kama. Namula ako nang husto habang pilyo niya akong nginingitian. Binuhat niya pa ako at kahit anong pagmamakaawa kong ibaba niya ako, hindi nangyari dahil ayaw niya akong paglakarin.

Pumasok kami sa kanyang banyo dito. At dahil siya si Valentine Archangel, imposibleng makatanggi ka na paliliguan ka niya.

Sulitin na rin, aalis na siya mamaya. And I'm trying my best not to break out any moment.

~

Pinulong na ang lahat ng guardians sa Broomstick Field 1. Nasa harap nito ang isang malaking portal na hindi ko alam kung saan kaya patungo.

Umaatikabong paalamanan ang nangyari tulad naming magkakaibigan na nag-iyakan. Pagkatapos kong yumakap at sabihin ang lahat ng bilin ko kay Sage ay lumapit agad ako kay Valentine.

"Val, stay safe and alive please. Ayokong mabyuda." I joked but I failed dahil napahikbi ako.

He pressed his hands on my cheeks. "I will baby, I will. Mag-iingat ka rin. Whatever happens, talk to me through mind okay? I love you. Babalik ako. And when that happens, gagawa na tayo ng babies." he tried to joke too but failed. Niyakap niya ako nang mahigpit at pinalibutan kami nina Ellie.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now