Chapter 42 - Reign of Darkness

28.8K 1K 105
                                    



New story cover! Wala lang, for a change. Haha! Okay ba? :'(

Thanks for waiting! Please shower me with your loving votes, comments, and tweets huhubels. #MagiqueFortress #TeamTineapay
xx pixie blame
==========

Chapter Forty Two
Reign of Darkness

Death Venomo Syrwon. Ang pangalan ng isang mahalagang salamangkero sa kasaysayan ng Fortress.

Tandang-tanda ko pa ang lesson noon sa History. Si Death Syrwon ang nagsilbing mentor ng Four Legends na katuwang nila sa pagsasanay ng magic. Siya ang tumatayong pangalawang ama nila. Namin noon...

Tapos ganito.

Siya rin pala ang lalaking nakilala ko sa nakaraan na nanguna sa pagtaguyod ng panibagong kasamaan.

Planado niya lahat. Napakahusay niya para panatilihing mangyayari ang mga dapat mangyari pagkatapos kong ibigay sa kanya ang ugat ng puno.

Isiniwalat niya rin, siya ang nagpakilala sa akin bilang V noon sa Calle Haflux, siya rin ang misteryosong lalaking kasama ni Professor Norfenfal sa Tendox Forest. At higit sa lahat, siya ang may-ari ng boses na tumatawag sa akin madalas.

With all the revelations, I am here standing like a tree, rooted to the deepest ground.

Ako pala. Ako pala ang may kasalanan ng lahat. Ako ang pinag-ugatan para gumising ang kasamaan at matuloy ang sumpa. Ako ang nagbigay-daan sa kanila para sila'y maghasik ng lagim, maging malakas at magplano laban kay Diamond-laban sa aking ama.

Ang lahat ng kapahamakang nangyari sa akin, sa aming lahat magmula pa lang nang dumating kami sa MFU, ay ako pala ang may kagagawan. Kung hindi ako nagalit kay Ama ay hindi sana ako pumasok muli sa librong 'yon. Hindi ko sana nakilala at tinulungan ang kalaban. Hindi na sana ito nangyari pa. Malaya na sana kaming maibalik ngayon ang Magique Fortress na walang hadlang na masasama. At dapat dati pa lang, wala ng mga panganib at kapahamakan.

Ganoon pala talaga ang epekto ng nakaraan sa kasalukuyan.

Hindi ko akalaing ang ginawa ko lang kahapon ay magiging bangungot pala ng lahat sa lumipas na maraming taon.

Habang lumuluha ay doon lang nagsipasukan sa akin ang marami pang pangitain.

Ito marahil ang dahilan kung bakit paulit-ulit sa aking sinasabi ng inakala naming baliw na si Sapphire Cindroso na huwag na huwag akong magagalit, dahil maaaring humantong sa ganito. She's not really crazy, I bet she's more of a peculiar. Kaya pala.

Isa pa ang sinabi noon ni Blaire, ang tagapagbantay ng puno ng Power Sphere noong pumunta ako sa Daffedille Lake. I remembered her words, "Don't fall up, and don't soar down. Your heart, that is your force. Don't let it either push or pull you too much."

Everything here has a deep meaning. Even the littlest things... And I'm too oblivious to not take it too seriously.

Pero kung sakali nga kayang hindi ko ginawa iyon, ano kayang mangyayari?

I want to wipe your tears, please don't cry. It bleeds me in.

Naputol ang tingin ko sa kawalan nang kausapin ako sa utak ni Valentine. Napatingin ako sa kanya at sa halip na sundin siya ay lalo lang akong naiiyak. I just want to hug him right now and cry out all of my tears.

"Pinagkatiwalaan kita Death, paano mo ito nagawa? Hindi ba at galit na galit ka kay Dreyxin? Pinatay niya ang mga magulang mo! Pero bakit sinundan mo pa ang kanyang yapak? Bakit sa akin ka naghihiganti?" nakakuyom si Diamond na sinabi iyon, hindi malakas ngunit tila umalingawngaw ito sa kapaligiran.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Where stories live. Discover now