Chapter 51 - Sacred Ritual

25.1K 957 94
                                    

Chapter Fifty One
Sacred Ritual


Gustong gusto kong tumakbo sa kanya at lapitan siya pero naugatan na yata ang mga paa ko sa lupa. Hindi ko magawang ihakbang ang mga ito dahil pinipigilan ako ng takot. Takot na baka isa itong patibong. Na ginagamit nila ang emosyon ko para makuha ako, para mapatay ako.

"Gumamit ako ng natutunan kong dark magic sa aking ina para maibalik si Val sa dati, pansamantala," parang sigaw sa tainga ko ang sinabi ni Sage pero direkta pa rin akong nakatingin kay Val.

Palapit siya nang palapit pero imbis na humakbang ako ay umatras lang ako. Lalo kong nakitaan ng pananakit ng ekspresyon si Val.

"Please don't be scared at me..." He's crying and it just pains me. "This is still me... Ako na ito ulit." He tries his best to convince me. Alam kong nahihirapan siya dahil ingat na ingat siyang hindi ako mahawakan kahit gusto niya.

Hindi ko na napigilan. I cried without a sound, my tears keep on rushing down on my face. I don't know what to believe.

"Val.." nang banggitin ko iyon ay niyakap niya na ako nang kay higpit. I immediately know that he is really this, my Valentine Archangel. Damang dama ko ang katotohanan sa kanyang yakap.

"Sa pagsapit ng gabi, babalik siya sa dati. Be quick. I'm really sorry, iyon lang ang kaya ng kapangyarihan ko. The dark lord's power's just too powerful, hindi ko kayang pawiin iyon nang tuluyan kay Val." Bumaling ako kay Sage. "And Tine, please win."

Naglaho na si Sage at naiwan kami ni Val. "Hindi ka nila pwedeng makita." Kinuha ko agad ang scepter ko at nagteleport kami sa aking silid.

"I remember everything, lahat ng kasamaang nagawa ko sa'yo. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ipinangako kong hindi kita pababayaan, na hindi kita sasaktan, na aalagaan kita, na patuloy lang kitang mamahalin. Hindi naman iyon nawala, mahal na mahal pa rin kita. Pero nang mapasailalim ako sa kapangyarihan nila, hindi kita nakilala. Hindi na kita naprotektahan. Nagawa pa kitang itanggi. Sinabihan kita ng masasakit na salita. Nagawa ko ring pagsamantalahan ka! Dammit! Sinaktan pa kita at hindi ko man lang napigilan ang sarili kong isipin na patayin ka. Sinaktan kita, Tine! Sinaktan kita!" Lumuhod siya sa harap ko at niyakap ang mga binti ko. Mahigpit. Puno ng takot at pagsisisi. Humagulgol siya at nanlambot ang lahat ng buto ko.

Gusto ko siyang itayo pero hindi ako makagalaw. My hands are both on my mouth, sinusubukan kong huwag siyang sabayan sa paghagulgol.

"You are the love of my life but I've destroyed you. I swear my life, hindi kita kayang patayin. Pero ano? Sa isang utos lang ni Death, inisip kong patayin ang pinakamamahal ko. Wala akong nagawa. Patawarin mo ako, please. I can't ever imagine myself killing you, or even think I can kill you. Kung hindi mo pa ako pinigilan ay mapapatay talaga kita. No! No, just no! Hindi ko magagawa iyon, Tine, I..."

Umiyak pang lalo si Val at hindi mapigilan ang paghikbi. "I love you so damn much but I'm the worst, I am sorry."

Lumuhod ako para mapantayan ang mga mata niya. I pressed my hands on his cheeks and wiped his tears. "I always love you, Val."

Hinalikan ko siya sa noo at hindi ko inalis ang labi ko roon. He continued saying sorry to me. "Shh shh, I know, I really know."

Ako naman ang napahagulgol sa tindi ng emosyon ko. Iyong baby namin. Gusto kong sabihin sa kanya pero natatakot ako.

"Masaya akong makita ka ulit." I kissed him on the lips once. "Masaya akong makausap ka ulit." I kissed him again. "Masaya akong makasama ka ulit. I am so happy to meet you again." I kissed him longer this time, with all my heart, with all my soul.

Magique Fortress - Published under PSICOM (Diamond Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon