CHAPTER 7: Meeting Kyle

225 6 3
                                    

--- START OF TEXT ---
Good morning Chasie! Maisip pa lang kita, kumpleto na ang araw ko. At dahil doon, araw araw ay kumpleto at masaya ako! <3 See you later handsome. Smooches!
--- END OF TEXT ---

It has been 3 hours since I sent that text, pero wala akong reply na natangap mula kay Chase. Imposible namang wrong number itong natext ko dahil si Art mismo ang nagforward sakin ng number niya. Boohoo.

I am on my way to their classroom para ihatid yung prepared baon ko para sa kaniya. I cooked Adobong Manok at first time kong magluto nun. Nasarapan naman si Mischa (as usual, siya ang taste tester ko hehe) kaya sana ay magustuhan ni Chase ang luto ko!

"Hi!" bungad ko sa mga kaklase ni Chase. Masaya naman nila akong binati nung nakita nila ako. Dumiretso ako sa kung saan nakaupo sina Chase. "Hi Chase!" Full energy pa ang pagbati ko sa kaniya. Pero hindi naman niya ako pinansin. Ni hindi nga niya ako nilingon. :< masyado siyang nakatutok sa binabasa niyang libro.

Or sadyang ayaw lang talaga niya akong pansinin? :<

"Hi Ms. Chaser! Kamusta naman ang pwet mo? Masakit pa din ba?" natatawa pang tanong sakin ni Joshua. Bwisit yun. Pinaalala niya pa sakin yung nangyari sakin nung isang araw. =_=

"Salamat sa concern mo sa pwet ko Josh. Okay naman siya. Hindi na masakit. Hehehe." Ibinalik ko ang atensyon ko kay Chase na ngayon ay busy na sa pag-u-unpack ng baon niya. Sandwich na nabili lang sa convenience store ang baon niya. Hala, paano siya mabubusog nun?! "Yan lang ang pagkain mo Chase?!" hindi ko napigilang itanong sa kaniya.

Finally, nagawa din akong tignan ni Chase. He looked at me! Those black eyes are now staring at me..........

"Pakealam mo ba?"

Sungit! >_<

"Ah! Wag ka ng kumain niyan. Hindi nakakabusog yan!" Inagaw ko mula sa kaniya yung sandwich na kinakain niya at ipinatong ko sa harap niya yung lunch box na dala ko. "Eto o, ipinagluto kita ng baon mo! Adobong Manok. Masarap yan! Ubusin mo yan ha?".

Isa-isa kong binuksan yung lunch box at bumungad naman sa kaniya yung mainit-init at masarap na Adobong Manok na pinagpuyatan kong lutuin para sa kaniya.

I don't know kung namamalik mata ako.. pero nung nakita ni Chase yung Adobong Manok na niluto ko ay parang nagkaroon ng excitement sa mga mata niya. Amoy pa lang kasi, alam mong masarap na! Bumanat nga yung mga kaklase ni Chase na gusto nilang tikman yung niluto ko, pero matigas kong sinabi sa kanila na bawal dahil para lang kay Chase yung niluto ko.

"Oooooh, mukhang hindi mo na yata kailangan itong mga binili namin sa canteen Chase eh. May masarap na baon ka na pala!" Hindi ko napansin na nandito nadin pala si Art. Kasama din niya si Queenie.

"Oh my God, it's you again! Napaka-persistent mo din talaga no?" Oh, Queenie. Bakit ba lagi ka na lang kontrabida sa lovelife ko? "Here Chase. Eto na yung pinabili mong pagkain sa canteen." Ipinatong ni Queenie yung cake at takeout food sa table ni Chase. Agad ko naman itong tinangal sa table niya.

"Bakit ito ang kakainin mong lunch? Cake and takeout food? Hindi healthy! Kung gusto mo ng dessert, kumain ka ng fruits!" naglabas ako ng strawberry at ipinatong ko ito sa table niya, katabi ng Adobong Manok.

Hindi pa din ginagalaw ni Chase yung pagkaing inilapag ko sa table niya, pero alam kong natatakam na siya sa Adobong Manok ko.

"Hoy Chase! Kumain ka na nga! Tama nga naman si Ms. Chaser. Wag puro sandwich sa convenience store ang kainin mo. Maliban sa hindi na nga nakakabusog yun, hindi pa healthy. Diba Ms. Chaser?" banat ni Joshua. Ayun, for the first time, may nasabi din siyang maganda sa araw na ito!

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon