CHAPTER 16: Unanswered Questions

179 7 1
                                    


"Brother," tawag sa akin ni Kuya habang busy ako sa pag-aayos ko ng gamit ko papasok ng school. "tapos na pala ako sa books na hiniram mo. Pwede mo na silang ibalik sa library."

"Okay," Kinuha ko yung mga libro at isa-isang ipinasok sa bag ko. "Bakit kasi hindi ka pa magpa-renew ng bagong Library Card?"

Kumuha si Kuya Kyle ng tinapay sabay kagat nito. Kung ako papasok pa lang ng school, siya naman ay magpe-prepare pa lang sa pagpasok. Mas late ang pasok niya sa akin dahil puro major subjects na ang kinukuha niya kaya minsan na lang din kami nagkakasabay kumain sa umaga. Minsan pa nga ay hind na talaga kami nagkakaabutan sa umaga. Ngayon lang ulit.

"Wala na kasi akong time pumunta ng library eh. Alam mo na, busy sa acads." Sabay inom niya sa paborito niyang strawberry milk.

Siya lang ata sa pamilya namin ang umiinom ng Strawberry Milk sa umaga. If not, Strawberry Juice naman ang gusto niya. Hindi mabubuo ang araw niya pag hindi siya nakakainom ng kahit anong may strawberry flavor. Pag sumilip ka sa fridge namin, halos puro strawberry drinks ang makikita mo sa loob. Kung ano naman ang ikinahilig niyas a strawberry, kabaliktaran naman sa akin. I never ever liked strawberries.

"Wala kang oras, pero may time ka para magbasa at magpaka-busy sa club mo."

"Well, ibang usapan na kasi yun, Brother."

"Right kuya." Hindi na ako nakipagtalo sa Kuya ko dahil alam kong matatalo lang ako kapag kinontra ko siya. Kung matalino ako sa lagay na ito, mas matalino naman sa akin si Kuya. "Ihihiram ba kita ulit ng new set of books?"

"Yes please! Thanks brother!" pagkasabi niyang yun ay ginulo niya ang buhok ko sabay halik niya sa pisngi ko.

Naramdaman kong may basa sa pisngi ko. Pinahid ko iyon at nakita ko ang kulay pink na substance sa may kamay ko. "Yuck naman Kuya! Bakit mo ko hinalikan sa pisngi?! Dumikit tuloy yung Strawberry Milk sa mukha ko. Ughhh"

"Ang selan mo naman baby brother!" sabay gulo ulit nito sa buhok ko. "Hindi ka pa ba aalis? 8AM na ah. 9AM class mo diba?"

"Aalis na." kinuha ko na yung bag ko at isinuot sa likod ko. Hindi nagkasya yung ibang books sa bag ko kaya naman binuhat ko na lang ang mga iyon. "Bye Kuya."

"Bye brother! I'm looking forward sa new books na hihiramin mo. Hehe!"

Itong kuya ko talaga... sobrang hilig magbasa ng libro. Feeling ko nga mas mahal pa niya yung mga libro kesa sa sarili niyang kapatid eh. Tsk.

Dumiretso ako ng library para ibalik yung mga librong hiniram ni Kuya at para na rin humiram ng mga bagong libro. Papunta na ako sa counter para ipunch yung anim na librong hiniram ko (oo, ganun ka-book worm si Kuya) ng napukaw ng pansin ko yung dalawang pamilyar na tao na nakaupo sa may sulok ng library.

"Akala ko ba meron ka ng sagot? Bakit tinatanong mo ulit sakin?"

"Akala ko ba meron ka ng sagot? Bakit tinatanong mo ulit sakin?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon