CHAPTER 21: Effort

142 3 8
                                    

[ DASH's POV ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ DASH's POV ]

Ikinuwento namin ni Daiki kay Mischa ung nangyari sa plano namin na pagselosin si Chase. Halata sa mukha niya yung disappointment dahil sa naging result ng plano namin. Akala kasi namin nagkakaroon na ng liwanag yung lovelife ko eh, hindi pa pala. Kung kami ni Mischa ay disappointed, nagdidiwang naman si Daiki. Paano, nakuha na niya ang matagal na niyang inaasam na makuha. Ang number lang naman ng bestfriend ko! Naku, goodluck na lang kay Mischa.

Papunta na ako sa club namin ng naisipan kong kumain muna sa canteen. Habang kumakain, may dalawang gwapong nilalang na lumapit sa akin.

"Hi Cookie Girl!"

"Mag-isa ka yata ngayon Ms. Chaser?"

Umupo sila sa harap ko at nagsimula na din silang kumain. Teka.. bakit parang may kulang?

"Kung si Chase ang hanap mo, hindi namin siya kasama ngayon," sabi ni Art sabay inom nito sa coke niya.

"Ah.. nasaan siya?"

"Dumiretso ng Lounge. Para ngang nagmamadali kanina eh," sagot ni Josh habang busy ito sa pagnguya ng apple niya. "Ui, penge ng chips mo Ms. Chaser ha?"

Sad naman. Akala ko pa naman makikita ko ngayon si Chase.. paano ba naman kasi kahapon bigla na lang siya nawala kaya hindi ko nasulit na kasama ko siya kahapon. Tapos hindi ko din siya nakita kaninang umaga dahil nagmamadali kong inilapag yung baunan niya sa table niya.... Nakita ko na naman kasi yung antipatiko nilang kaklase sa classroom nila. Hanggang ngayon iniiwasan ko pa din yun dahil umiinit ng sobra sobra ang ulo ko kapag naaalala ko yung nangyari nung araw na yun.

DASH: *sigh*

"Okay ka lang ba Cookie Girl? Parang ang tamlay mo yata ngayon?" concerned na tanong sa akin ni Art. "Gutom ka pa ba? O ito oh, kuha ka ng sandwich ko. Abnoy kasi tong si Josh eh. Pati yung baon mo kinakain na din niya."

"Grabe ka naman! Anong gusto mong palabasin sakin? Na matakaw ako??"

"Oo." Sabay na sagot namin ni Art. Natawa naman kaming tatlo dahil doon.

"Anyway," patuloy kong pagsasalita. "Okay na din na wala si Chase ngayon. May ikekwento kasi ako sa inyo. Pero promise niyo sa akin, hindi niyo ko pagtatawanan ha?" sabi ko sa dalawa habang seryoso ko silang tinitignan.

Seryoso din nila akong tinignan. "Promise," Sabay nilang sinabi habang nakataas ang kanan nilang kamay.

Ikinuwento ko sa kanila ung plano naming tatlo nina Mischa at Daiki. Habang nagkekwento ako, seryoso lang silang nakatingin sa akin tapos bigla silang magkakatinginan dalawa. Para bang nagagawa nilang magusap gamit lang ang mga mata nila.

Matapos kong magkwento, tahimik lang sila. Pero matapos ang ilang segundo, bigla silang tumawa ng ubod ng lakas. Sa sobrang lakas, napatingin na sa amin yung mga ibang kumakain sa canteen! Kakainis, nangako sila sakin na hindi sila tatawa eh!!

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon