CHAPTER 13: Ai - "Love"

166 7 4
                                    



/===== START OF TEXT =====/
Guten Morgen, my love of my life!
/===== END OF TEXT =====/

Again with her daily text.

Sa tuwing gigising na lang ako, lagi na lang ako nakakareceive ng text mula sa kaniya. Simula nang nakilala ko siya, hindi na nawalan ng text message notification yung phone ko. Naging parte na nga ng araw-araw na pamumuhay ko ang makareceive ng text niya.

Babangon - magchecheck ng cellphone - magbabasa ng text message niya - maliligo - school.

Ganun din bago ako matulog. Araw-araw siyang nagtetext sa akin, hindi siya nakakalimot.

Araw araw niya itong ginagawa, pero araw araw ko ding hindi sinasagot ang mga text niya. Hindi ba siya nagsasawa?

Kailan kaya siya titigil?

"Good morning Iho," bati sa akin ni Nanay Flor mula sa kusina. Busy siyang nagluluto ng almusal ng maabutan ko siya. "May gusto ka bang kainin? O diretso ka na ulit sa school?"

Alam na ni Nanay Flor yung daily routine ko. Hindi ko na siya kailangan pagsabihan pa dahil alam na niya kung ano ang gagawin ko.

"Hindi na po muna ako kakain dahil didiretso na ako sa school."

"Iho, dapat may laman ang tyan mo bago ka pumasok. Araw araw ka na lang hindi kumakain baka magka-ulcer ka niyan," Bakas sa tono ng boses ni Nanay Flor ang kaniyang pagaalala. Huminto ito saglit sa kaniyang pagpiprito at tumingin siya sa akin. "Tignan mo ang Kuya Kyle mo. Palaging malusog dahil lagi siyang kumakain ng almusal bago siya pumasok ng school. Dapat kumain ka din para maging malusog ka din tulad niya."

Naamoy ko yung niluluto ni Nanay Flor. Nakakatakam dahil ang bango. Bacon and Eggs. Favorite ni Kuya yun kaya yun ang araw-araw na niluluto ni Nanay Flor. Ewan ko ba kay Kuya kung paano niya hindi nagagawang magsawa doon. Samahan mo pa ng Strawberry Juice or Strawberry Milk.

Kahit na hindi kami mga tunay na anak ni Nanay Flor, tinuring na niya kaming parang mga tunay na anak ni Kuya Kyle kaya naman sobra niya kung kami ay alagaan at arugain. Toddler pa lang kami ni Kuya, nanjan na si Nanay Flor sa tabi namin kaya naman sa sobrang tagal na namin siyang kasama, pangalawang ina na ang turing namin sa kaniya ni Kuya.

"You don't have to worry, Nanay Flor *smiles* healthy foods naman ang kinakain ko sa school at sinisigurado niyang hindi ako magugutom." I gave her a smile, reassuring na okay lang talaga ako. "Wala na po kayong dapat na ipagalala Nanay Flor."

Saka ko lang narealize na malaki din pala ang naitutulong ng pag-prisinta ni Dash sa pagluto ng lunch ko everyday. By doing that, mababawasan yung trabaho ni Nanay Flor, nakakakain pa ako ng libre at masarap.

"Kay buting bata pala niyang kaibigan niyo ng Kuya mo ano?" ang sabi ni Nanay Flor habang patuloy pa din ito sa pagluluto ng bacon. "Ano nga ba ulit ang pangalan niya? Yung magandang kaibigan niyo ng Kuya mo?"

"Dash po, Nanay Flor."

"Ayun, si Dash nga. Maliban sa maganda, marunong din pala magluto at masipag pa. Napakswerte niyo at nagkaroon kayo ng mabuting kaibigan ng Kuya Kyle mo. Mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa panahon na ito, Iho."

Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Nanay Flor. Wala naman kasi akong mai-comment dahil hindi kami ganung ka-close ni Dash.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay dumiretso na ako sa school. 6:15am na pagka-check ko sa relos ko. Agad akong dumiretso sa gym at naabutang nag-pa-practice ang Tennis Club.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon