CHAPTER 11: My Ideal Guy

179 8 6
                                    

/===== START OF TEXT =====/
Good morning Mahal! Smile! See you later. I love you! Hihihi~
/===== END OF TEXT =====/

Ang sabi nga nila, para makuha mo ang loob ng taong mahal mo, kailangan matutunan mo din mahalin at maging close yung mga taong mahalaga sa kaniya. Kaya heto ako ngayon sa Lounge, nakikipag-laro ng Monopoly with Art and Josh.

Ang sosyal talaga ng mga batang ito! At talagang may sarili pa silang private room sa Lounge! Medyo malawak nga sa loob ng kwarto na ito. Makikita mo dito ang iba't-ibang palaruan tulad ng darts, billiards, indoor golf simulator at iba't-ibang card and board games. Aside sa mga laruan, meron ding bar na puno ng iba't-ibang klaseng imported wines and liquors. Katabi ng bar, ay isang malaking smart TV. Medyo dim sa loob ng Private Room na ito kaya naman feel na feel mo ang pagka-"bar" niya. Pero para din siyang playroom dahil sa dami ng mga pwede mong malaro sa loob ng room.

Nakaupo kaming tatlo nina Josh at Art sa sahig samantalang naka-upo naman si Chase sa sofa habang kami ay kaniyang pinapanood maglaro.

"Pre! Ayaw mo ba talagang sumali?" yaya ni Josh kay Chase.

"Ang saya kaya maglaro nito. Sumali ka na. Wag kang KJ!!!" singit naman ni Art.

"Oo nga! Sumali ka na Chasie! Magpalaki tayo ng lupain natin at magparami ng pera. Practice na to para sa future natin." yaya ko din dito. Ngumiti pa ako ng sobrang sweet para bumigay siya sa hiling ko. Kaso mukhang hindi effective. Sinimangutan lang niya ako. Huhubels. Cold~

Kinuha niya ang iPod mula sa katabing lamesa at nagsuot ng earphones, sign na wag ko daw siyang kausapin at istorobihin. Fine. Edi di ko na muna siya kukulitin... mamaya na lang. Mehehe.

Tinapik na lang ako ni Art sa aking balikat. "Pagpasensyahan mo yung kaibigan namin ha? Inaatake na naman ng pagkasungit."

"Lagi naman yan masungit pag nasa paligid na ako eh," medyo sad pa din ako kasi totoo yung sinabi ko.

"Ano ba ang nagustuhan mo kay Chase at patay na patay ka jan sa kaibigan namin?" usisa sa akin ni Josh.

Medyo nahiya naman ako sagutin ang tanong niya kasi kasama namin si Chase! Kakahiya talaga. Open ako sa feelings ko sa kaniya and I can freely express it, pero pag tatanungin mo na ako tungkol mga dahilan kung bakit ko nagustuhan at minahal si Chase, sobrang nahihiya talaga ako.

"Wait, before you answer the question," singit ni Art, "What's your ideal guy?"

Napaisip naman ako sa tanong ni Art. Ano ba ang ideal guy ko? Hmm...

"Ang gusto ko sa lalaki, sweet at mabait. Caring at pasensyoso. Hindi naman ako mahilig sa mayaman at gwapo eh. Ang sa akin lang, basta mahal niya ako at tangap niya yung pagkatao ko. Yung kaya niyang pakisamahan yung mga trip ko sa buhay. Yung kahit sobrang kulit kulit ko na, nanjan pa din siya sa tabi ko na patuloy niyang mamahalin kahit napipikon na siya sa akin. Yung tatangapin niya lahat ng flaws ko dahil hindi ako perfect. That's my ideal guy." Nakangiti lang ako habang sinasabi sa kanila kung ano ang ideal guy ko. Pareho namang nanlaki ang mga mata ni Art at Josh dahil sa sinabi ko.

Uhh, may mali ba sa sinabi ko? Hindi naman mataas ang standards ko para magulat sila ng ganun ah.

"Yun yung ideal guy mo?" tanong ni Art sa akin na may halong pagtataka.

"Oo. Mukha ba akong nag-jojoke?" seryoso ko namang sagot sa tanong niya.

Bigla namang tumingin si Josh kay Chase (na busy pa din sa pagkalikot ng iPod niya) at tumingin pabalik sa akin. "Ang layo kay Chase! Paano kang nagka-gusto sa kaniya kung ang gusto mo pala sa isang lalaki ay sweet, caring at pasensyoso?!" natatawa niyang tanong sa akin. "At isa pa, ubod ng sungit kaya ng lalaking yan!"

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon