CHAPTER 18: Gayuma

125 2 2
                                    


"No good,"

Yun lang ang tanging nasabi ko kay Daiki pagkakita na pagkakita ko sa kaniya sa pav.

"Well I guess wala tayong choice kundi magsunog ng kilay ng isang linggo para makapasa tayo sa class ni Sir Sadista."

Hai, kung minalas ka nga naman ng Prof oh.. Kung bakit kasi napunta kami sa terror Prof eh. Maliban na sa terror siya, mahirap pa siya magpa-exam! Samantalang minor subject lang naman namin siya. Buti sana kung magagamit namin yung Electronics sa pagluluto, eh hindi naman! Pa-major talaga tong subject na to huhuhu.

"Oh, bakit para kayong pinagbagsakan ng langit at lupa jan?"

Sa sobrang problemado namin ni Daiki, hindi namin napansin na kasama na pala namin si Mischa. Mischa looked so happy and problemless. Buti pa siya.

"Mischa!!! Ma-dedebared na yata kami ni Daiki! Ang hirap ng lessons namin at malapit na ang exams!!!!" mangiyak-ngiyak kong sumbong kay Mischa.

"Hoy! Wag mo nga akong idamay. Hindi ako made-debared okay? Ikaw na lang uy!" sabay sapak sa akin ni Daiki ng notebook niya. "Don't worry Mischa, malalagpasan din namin ang unos na ito. Isa lamang ito sa mga minor challenges na kailangan namin harapin. Easy Peasy!"

"Ah okay, lakompake."

"Aray ko beh, wala siyang pake." Sabay hawak ni Daiki sa dibdib at nagpangap na nasasaktan ito.

Buti pa siya at chill lang. Nagagawa pa niyang makipagbiruan samantalang ako dito eh sobrang tense na sa buhay. Sa totoo lang, wala akong time para makipagbiruan dahil buhay ko ang nakasalalay sa incoming exam namin. Naiiyak na ako sa stress talaga. Bakit ba kasi may mga minor na pa-major?! Nakakajirits talaga!

"Bakit hindi ka magpatulong kay Chase? Diba tinuruan naman niya kayo dati?"

"Natanong ko na siya Mischa, pero ayaw niya na daw kami ulit turuan. Nawalan na nga ako ng pagasa eh. Hai..."

"There, there.." binigyan na lang ako ng hug ni Mischa dahil alam niyang I need it the most. Kakaiyak.

Lard. Pahingi naman ng himala jan oh, please?

Kasalukuyang nandito kami ngayon ni Daiki sa library para mag-review

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasalukuyang nandito kami ngayon ni Daiki sa library para mag-review. Halos mag-dadalawang oras na din kaming nakatambay dito.

"Ahahaha ang galing nung numbers, umiikot ikot sa paningin ko!" sabay sarado nito ng notebook niya. Then maya maya ay naglabas siya ng cellphone niya. "Makapaglaro nga muna ng Farmville, baka sakaling gumana na utak ko after kong maglaro."

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nawawala yung piso dito sa ginagawa ko. Piso na nga lang, nawawala pa! Agh! Magkakaroon na yata ako ng trauma sa mga baryang piso dahil dito. Nakakabaliw!" napapakamot na ako ng ulo dahil hindi ko na talaga maintindihan itong inaaral ko. Ang hirap pala ng kursong Accountancy ano? Partida, basic Accounting palang itong tinuturo sa amin pero hirap na hirap na ako... paano pa kaya yung majors nila?

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon