CHAPTER 24: Ruckus

277 7 9
                                    

I am on my way sa classroom nina Chase para ihatid yung food niya nang makita ko siya kasama ang mga kaibigan niya na naglalakad mula sa di kalayuan. Sa sobrang excited ko, hindi ko napigilang tumakbo papalapit sa kaniya habang sinisigaw ko ang pangalan niya. Ilang buwan ko ding hindi nakita tong mahal ko, and finally nakita ko na din siya!!!!!!

Kung alam lang niya kung gaano ko siya namiss ng sobra sobra sobra!!

"CHASIEEEE!!!!!" Tawag ko sa pangalan nito habang kumakaway at mabilis kong tinakbo ang corridor para mahabol siya. Lumingon si Chase, pero agad din itong tumalikod at nagpatuloy sa kaniyang paglalakad.

"Hi Ms. Chaser! Kamusta ang summer vacation?" nakangiting tanong sa akin ni Josh. "May pagkain ka ba jan? Nagugutom na kasi ako eh. Hehe!"

"Loko ka talaga Josh. Unang unang pagkikita niyo ni Cookie Girl, pagkain agad yung hinanap mo sa kaniya." sabi naman ni Art "Pero di nga Cookie Girl, namiss nga namin yung pagkain mo."

Aww, buti pa sila miss ang pagkain ko. Si Chase kaya, namiss ako?

"Actually, kaya ako nandito para maghatid ng food sa inyo," I smiled. Nag-smile back naman sila sa akin.

"Ayos!!" excited namang sinabi ni Josh. Takaw talaga hehe.

Lumapit ako kay Chase at sinubukan ko siyang sabayan sa paglalakad. Grabe, hindi ako makapaniwalang nasa harap ko na siya ngayon at kasama ko na. Pakiramdam ko taon ang tinagal ng di naming pagkikita kahit buwan lang naman talaga kami hindi nagkita.

"Chasie, kamusta bakasyon niyo sa US? Mukhang nag-enjoy ka ah." Tanong ko sa kaniya habang nakangiti sa kaniya.

"Masaya."

"Talaga?"

"Oo, kasi walang makulit."

Pagkasabi niyang yun, dumiretso siya agad sa table niya at nagsimulang magbasa ng libro, sign na wag namin siyang guluhin.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatayo lang ako sa may pintuan nila habang ina-admire siya sa di kalayuan. Namiss ko yung presence niya. Yung mga pagsusungit at pagiging antipatiko niya. Yung boses niya. Namiss ko din yung amoy ng pabango niya sa tuwing lumalapit ako sa kaniya. Namiss kong tignan ang gwapo niyang mukha, yung mapupula niyang pisngi... yung maliliit niyang mata at yung mga labi niyang mapula. I wonder kung dadating ang time na maglalapat ang mga labi namin.................

"Kahit anong titig pa ang gawin mo jan, hindi yan ma-i-inlove sayo."

Biglang naputol ang pagpapantasya ko ng dahil sa boses na iyon. Nakita ko si Zack na nakatayo sa likod ko.

"So balak mong humarang sa pintuan ng classroom namin ng buong araw?"

Dati rati kapag nagsusungit siya, naiinis ako. Pero dahil friends na kami (I'm assuming) at alam ko namang deep inside eh mabait siya (cynical asshole lang talaga), pinalagpas ko na lang yung pagsusungit niya. Bagkus, sinuklian ko siya ng matamis na ngiti.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon