CHAPTER 22: Best-est Day

205 5 5
                                    

Last week of regular class na namin dahil next week, simula na ng 1week Finals Exam exam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Last week of regular class na namin dahil next week, simula na ng 1week Finals Exam exam. Sa sobrang busy ko sa projects ko, nawalan ako ng time na tutoran yung dalawa kaya naman naisipan kong ngayon na lang bumawi sa kanila. Kahit all nighter pa kami sa pag-rereview ay ayos lang, total naman Sabado bukas at walang pasok. And besides, madami din akong utang na tutorial days sa kanila. Dinala ko sila dito sa bahay namin para dito ko na sila turuan.

"Woah.... Ang laki din pala ng kwarto mo Chase! Amazing!" manghang mangha na sinabi ni Daiki habang sinisipat pa nito ang kabuuhan ng kwarto ko. "Wow! Ang dami mong consoles! Meron ka din pati nung mga luma?! Astig buhay pa Atari mo! Meron ka din nung lumang Gameboy at PS1!! Angaaaas! May PS4 na, meron ka pang Xbox 1. Yamanin! Gamer ka din pala?? Pareho tayo, pero PS Vita lang ang meron ako eh. Cross play tayo minsan sa Vita ko tapos naka-PS4 ka! After exams laro tayo ehehehehe!"

"Hui! Umayos ka nga jan~ Nakakahiya ka talaga!" pinikot niya ito sa tenga at kinaladkad papuntang desk table.

"Aray ko Dash masakit~~ aw aw aw~~~" napahawak pa ito sa namumula niyang tenga. Kahit ako eh parang nasaktan din sa ginawa ni Dash eh. Ouch.

"Chasie, sensya ka na sa baliw na to ah. Medyo baliw lang kasi to kapag nakakakita ng game console e."

"Uhh.. okay lang. Anyway, let's start? Para madami dami tayong matapos today. Ang dami nating namiss eh."

"Ako miss kita!" sabi niya sabay nagsmile siya sakin. Uhh, did she just beautiful eyes at me??!

Hindi ko na lang siya pinansin at nagfocus na lang sa hawak hawak kong papel. Isa isa kong tinignan yung mga reviewers nila at mukhang nag-aral naman sila kahit hindi ko sila na-tutor-an these past few days. Puno kasi ito ng notes at mga solutions nung tinignan ko ito.

"Chasie, pwede bang makigamit ng CR?"

"Paglabas mo, turn right."

Lumabas saglit si Dash kaya kaming dalawa na lang ni Daiki ang naiwan sa room. Busy ako sa pagchecheck ng reviewers nila habang siya naman ay busy sa pagtingin ng mga consoles at games ko.

"Ui Pre, may Borderlands ka pala! Pwede ko bang mahiram? May PS4 kasi si Kuya, makikilaro ako sa kaniya. Tagal ko na kasing gustong laruin to eh. Hehe." Sabi niya dito habang hawak hawak niya yung larong tinutukoy niya.

"Sure," maiksi kong sagot dito. Hindi naman ako madamot eh, basta ba alagaan lang nila yung gamit ko. At mukha namang gamer itong si Daiki kaya ayos lang na magpahiram ako sa kaniya ng laro.

"Phew thanks man! Ipapaabot ko na lang kay Dash pag tapos ko na. Yezzz excited na ako maglaro after exams!!!" sabi nito sabay lagay ng game sa bag niya. Maya maya ay nag-open ito ng phone niya. Nagpalundag-lundag pa ito habang nagbabasa siya ng text. "Shet! Si Mischababes nag-text! Shet na malagket talaga! Pre! Nag-text sakin si Mischa at ito ang first text niya sakin. Kinikilig akoooo!!!!" pinakita pa niya sakin yung text ni Mischa.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon