CHAPTER 12: Dash's Male Version

229 4 16
                                    

/===== START OF TEXT =====/
Rise and shine, Chasie my love so sweet. I love you everyday!
/===== END OF TEXT =====/

Chiiii~ As usual hindi na naman siya nag-reply sa text ko. Pero okay lang, sanay na naman din kasi ako *cries internally*

Anak ng patola! Pagtingin ko sa orasan, narealize kong male-late na ako sa first subject namin! Dali dali kong kinuha ang baon ko pati ang lunch na niluto ko para kay Chase. Kung mamalasin ka nga naman o. Halos liparin ko mula sa amin papunta sa school wag lang ako malate!

Bago pumunta sa first class ko, dumiretso muna ako sa classroom ni Chase para iabot sa kaniya yung lunch niya. Sa kasamaang palad, ayaw makisama ni Ted Hannah. Wala pa si Chase ng makarating ako sa classroom nila. Aww, akala ko pa naman makikita ko siya this morning. Buo na sana ang umaga ko. Sadness++

Ipinatong ko yung lunch box sa table niya at nagiwan na din ng note. Kung hindi lang super aga ng first class ko, hihintayin ko na sana siya eh. Ako pa mag-aabot ng baon niya ng personal. =_=

Wala talagang pakisama tong si Ted Hannah oh. I just wanna see my inspiration, you know?! *sobs*

Paalis na ako ng classroom nila ng nakasalubong ko yung isa nilang kaklase na laging may suot na malaking earphones. Grabe, ang aga naman niyang pumasok. Mamaya pa class nila eh. Nakatutok ito sa cellphone habang busy siyang nakikinig sa music kaya hindi niya namalayan na nandoon ako sa classroom nila.

Shoot, late na talaga ako! Waaaah!!!

"Na-gets mo ba yung tinuro ni Sir Lagdameo kanina, Dash?" tanong sa akin ni Daiki, classmate ko sa minor subject

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Na-gets mo ba yung tinuro ni Sir Lagdameo kanina, Dash?" tanong sa akin ni Daiki, classmate ko sa minor subject.

"Syempre ako pa!" I said with a big smile.

"Na-gets mo?! Ituro mo nga sakin tong equation na to!" nilagay niya yung notebook sa table ko at umupo sa tabi ko. Naka-ready na din ang mechanical pencil niya at calculator.

"Syempre hindi! Ano ka ba naman Daiki, akala ko ba close tayo? Dapat alam mong hindi ko din na-gets yung tinuro ni Sir Lagdameo!" natatawa kong sagot sa kaniya.

At dahil sa reply ko, nakatangap ako ng isang malupit na batok mula sa kaniya. "Sira ulo ka talaga Dash. Pinaasa mo ko!"

"Aray ko masakit yun ah! Hampas ko sayo tong gigantic scientific calculator ko eh!" kinuha ko yung scientific calculator at akmang ipapalo ko na sa kaniya ng bigla kong marinig ang phone kong nagring. "Hep! Time first! Sasagutin ko lang yung call ko. Stay put Daiki!"

Magsasalita pa lang ako sa kabilang linya ng bigla kong narinig ang matinis na boses ng best friend ko. "Tiffy!!! Ang tagal mo naman gutom na ako! Bilisan mo! Nandito na ako sa pav tapat ng building niyo. Bumaba ka na, no ifs no buts! Bye!"

Hindi pa ako nakakapagsalita ng bigla niyang binaba yung phone. Jeebus. Excited talaga kumain yung kaibigan kong yun.

"Oi, pasalamat ka at tumawag yung best friend ko. Anyway, bababa na ako at mukhang mamamatay na sa gutom yung best friend ko." ang sabi ko kay Daiki na busy pa din hanggang ngayon sa pagpipindot ng calculator niya.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon