CHAPTER 17: Kuya Headphones

183 4 5
                                    


[ DASH's POV ]

Pagka-bell na pagka-bell, agad kong ishinoot ang mga gamit ko sa bag at lumabas ng classroom. Tinkabo ko mula 5th floor ng building namin hanggang 6th floor ng Engineering building, nagbabakasakaling maaabutan ko pa sina Chase sa classroom nila. Hindi naman ako pinabayaan ni Ted Hannah dahil pagkatapak na pagkatapak ko ng 6th floor, naabutan ko sina Chase at ang mga kaibigan niya na papabalas pa lang ng kanilang classroom.

"Chasie~~" tumatakbo pa ako habang kumakaway ako sa kanila. Nakita naman ako ng mga kaibigan niya at lahat sila kumaway sa akin, maliban kay Chase na nakasimangot na nakatingin sa akin. Hinihingal pa ako ng nakalapit ako sa kanila.

"Ayos ka lang Ms. Chaser? Parang nagmamadali ka yata?" tanong sa akin ni Josh habang ngumunguya ito ng apple. Pansin ko lang, palaging kumakain itong si Josh. Takaw talaga!

"Pre, hindi mo na kailangan tanungin pa yan. Halata naman eh," sabay tawa ni Art. "Ano bang kailangan mo, Cookie Girl? Sa sobrang pagmamadali mo, ang gulo na tuloy ng buhok mo."

Pagkasabi niyang yun ay agad kong kinuha yung salamin ko sa bag. Que horror!!! Napakagulo nga ng buhok ko!!! Ughhhhhh sa sobrang pagmamadali ko, hindi ko na nagawang mag-ayos ng sarili ko. Huhuhu! Sinuklay ko na lang yung buhok ko gamit ang kamay ko. Grabe, dyahe talaga! Natawa na lang tuloy sa akin sina Josh at Art.

"Ano ba kailangan mo?" iritableng tanong sa akin ni Chase. Hay grabe ang gwapo pa din niya kahit ang sungit niya!

"Earth calling Dash. Hello??" naramdaman ko na lang na tinatapik-tapik na ako ni Josh sa balikat ko. "Are you okay? Tulala ka na naman kay Chase."

Shet ano ba yan! Nawala na naman ako sa sarili ko! Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na i-admire yung lalaking nasa harapan ko eh. Ugh.

"Ah! Chase! Can I have a favor?" pagkasabi kong yun ay biglang nag-iba na naman ang expression sa mukha niya. Lalo yata siyang nairita sa akin. Wah!

"Wala akong oras mag-tutor sa inyo ng kaibigan mo. Alam niyong malapit na ang exam natin kaya dapat nakinig kayo." Pagkasabi niyang iyon ay nagdiretso na siya sa paglalakad. Shet, nagwalk-out na naman siya sakin!

At dahil desperado akong pumasa sa minor subjects ko (oo, Minor talaga! Aanhin mo naman ba kasi yung Accounting, Logic, Advance Algebra, Electronics, at Physics sa pagiging future chef ko?! Grrr!), hinabol ko si Chase. Bahala na kahit mawala na yung pride ko, wala na namang mawaala dahil matagal na akong walang pride ever since na pinursue ko si Chase.

"Chase, sige na please tulungan mo na ulit kami ni Daiki~ last na talaga ito, promise!" pagsusumamo ko sa Prinsipe ng mga Pusong Bato.

Tinignan lang ako ni Chase. Mga limang Segundo lang niya ako tinignan, pero sa limang Segundo nay un, kinabog niya ng bongang bonga ang puso ko. Ano ba tong puso ko, di na naman mapigilan ang kilig!

After 5 seconds of staring at me, nagpatuloy na siya ulit sa kaniyang paglalakad. No! Hindi pwede! Paano na lang ang future namin ni Daiki kung di niya kami matuturuan?!

Hinabol ko ulit si Chase at hinarangan ko ang dadaanan niya para pigilan siya, "Chase-"

"Pwede ba!"

Sobrang bilis ng pangyayari. Para akong nilipad ng hangin dahil sa ginawa niya. Parang naging fast forward ang lahat. Naramdaman ko na lang na bigla akong napa-atras papalayo sa kaniya...

Tinulak ako ni Chase papalayo sa kaniya. Akala ko mahuhulog na ako sa sahig ng naramdaman kong may dalawang kamay na sumalo sa akin. Pagkalingon ko, nakatingin lang sa akin yung lalaking nakasalo sa akin. Si Kuya headphones! And this time, nakasuot din siya ng itim na scarf. Isa siya sa mga kaklase ni Chase pero hindi ko siya nakakausap dahil lagi siyang busy sa paglalaro ng cellphone niya sa tuwing nakikita ko siya.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon