CHAPTER 4: #OplanMakeChaseFallInloveWithMe

267 6 2
                                    

Punong puno ng nagsikalat na harina, asukal, kubyertos at kalat kalat na pan ang naabutan ni Mischa nung dumaan siya sa bahay namin.

Oo, sagad ako sa lungkot ngayon kaya napadami na naman ako ng bake. At as usual, masaya naman ang kaibigan ko dahil isa lang ang ibig sabihin nito para sa kaniya: MORE FOOD.

"Wow, ang dami mo na namang binake! And this time, may cupcakes na! Nag-cookies ka na, nag-cupcake ka pa." masaya nitong bati sakin. Kakarating pa lang niya ng bahay, pero yung cupcakes ko agad ang una niyang nilapitan. Define "True Friend". "Hulaan ko, nag-fail?"

"Sadista ka din no? Masaya kang nakikita talaga akong malungkot dahil alam mong magbabake ako ng sobrang dami ngayon." Sinabi ko sa kaniya habang hindi ako nakatingin sa kaniya. Busy kasi akong naglalagay ng last batch of cupcakes sa oven.

Isa isa kong nilinis ang mga kalat ko at nang natangal ko na yung mga kalat, umupo ako at nakasalumbabang tumingin lang sa cellphone ko. Isa isa kong tinitignan yung pictures ni Mahal sa phone ko. Yun na nga lang ang natatanging oasis sa nadi-disyerto kong love life eh. Huhubels.

"Alam mo, di na akong nagtakang nasabihan kang stalker ni Chase. Eh ang dami niyang pictures sa phone mo eh!" meron pa siyang icing sa bibig niya habang nagsasalita. Grabe talaga sa katakawan tong bestfriend ko. -_-

"Eh bakit ba? Eh sa dito ko lang siya kayang titigan eh. Alangan namang titigan ko siya pag nagkita kami sa school. Edi nag-freak out yung Mahal ko. Kung pwede ko lang sanang gawin yun, matagal ko ng ginawa!" isa-isa kong tinitignan ang mga pictures ni Chase sa phone ko habang patuloy pa din ako sa pagrarant ko. Hai, makita ko lang pictures niya, natutunaw na ako.

Naamoy ko bigla yung cupcakes na binebake ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naisipan ko na din ang kumain. Kumuha ako ng isang piraso ng cookie. Masarap naman yung gawa ko, pero bakit ayaw siyang kainin ni Chase? D:

"Mischaaaa~ Anong gagawin ko? Ayaw talaga akong pansinin ni Chase. Huhuhuhuhu! Ni di man lang niya tinikman yung cookies na gawa ko. Eh masarap naman! :<" nagsisimula na naman akong magdrama sa bestfriend ko.

Habang nagdadrama, tinitignan ko yung mga stolen shots ko ni Chase. Kahit yung super wacky candid shots, meron ako. Hindi ko dinelete! Hai. Sobrang lakas talaga ng tama ko sa lalaking yun. :'(

"Ano ba yan Tiffy! Pati yung pag-kamot ng ilong niya, meron ka! Bakit hindi mo na burahin mga yan? Ang pangit naman niya jan." nasa tabi ko na ngayon si Mischa at tinitignan na din niya yung mga collection ng pictures ni Chasie my Labs.

Pakelaman daw ba mga trip kong pictures kay Chase? Ang cute kaya niya!

"No! Ayokong idelete! Kahit yung distorted and blurred pictures niya, nasakin pa!" agad kong nilayo yung cellphone ko sa kaniya. Feeling ko kasi idedelete niya yung collection ng pictures ko ni Chase eh!

"Wah! Grabe ka! Don't tell me, meron ka din pati nung pagkakamot niya ng pwet, paglilinis ng ilong, and other awkward shots jan. -_-"

"Tada!"

"Wah! Meron ka nga!!!!" nanlaki ang mga mata ni Mischa ng pinakita ko sa kaniya yung laman ng"Embarassing Adorkable Chasie" folder sa phone ko.

"At hindi lang yan! Meron din ako nito!" may nilabas akong CD at isinalang ko ito sa DVD player namin. Kaka-start pa lang ng video, sobrang wagas na ng tawa ni Mischa.

"BWAAAAHAHAHAHAHA!!!! Si Chase ba talaga yan?! Yung naka-wig?! Yung nagpangap na Princess? Bwahahahaha!!!!" halos mangiyak-ngiyak si Mischa sa kakatawa. Ako naman eh nag-i-sparkle ang mga mata ko dahil sa maliban na sa magaling umarte si Chasie my Labs, ang ganda din niya sa suot niyang wig, make-up at gown. Kinikilig ako.

Say You Love MeWhere stories live. Discover now