CHAPTER 25: One Time Big Time

266 7 12
                                    


[ DASH's POV ]

Phew, buti na lang nakaabot kami ng 4PM dahil kung hindi, hindi pa macoconsider na official member ng club naming si Zack. Pero dahil nakaabot kami, official member na namin si Zack! So yay, dumami na yung members ng club namin! At isa ito sa dahilan kung bakit kami pinapunta dito ni Kyle.

"Everyone," Nakatayo sa may platform si Kyle habang hawak hawak nito yung waiver form ni Zack. "I was able to submit Zack's form on time at naipirmahan na siya ng Club Adviser natin. Ibig sabihin nito ay kahit pa hindi pa officially nagsisimula yung Org Hunt, by this time, official member na natin si Zack. Let us all welcome Zack!"

"Welcome to the Club, Zack!"

"Mag-eenjoy ka dito, promise!"

"Ayos! May new member ulit tayo!"

"Long live Astronomy Club!"

"Speech naman jan!" singit ni Chad, ang VP ng club namin.

Excited yung mga members ng club sa announcement ni Kyle. Ang iba pa sa kanila ay nagpalakpakan. Isa naman ako sa nakisali sa mga nag-cheer habang naglalakad papunta sa harap si Zack.

"Uhm, hi. Thank you for the uhmm, warm welcome. I am looking forward working with you guys. Uh.. thank you ulit." Para siyang nabobored na nagsasalita sa harap dahil sa monotone ang boses niya. Pero hindi ito alintana sa amin para hindi siya i-cheer habang nagbibigay siya ng speech niya.

Napansin kong parang halos lahat ng member ng club ay nandito ngayon. Usually kasi, kung sino lang ang may free time, sila lang ang uma-attend sa club. Hindi naman kasi requirement ang pagpunta sa club na ito since kino-consider lang nila itong extracurricular activity. Pero ngayon, halos mangalahati na ang org room.

"Thank you for that short speech, Zack." Kyle smiled. Maya maya ay kumuha siya ng marker at nagsulat ng malaking '1017-1021' sa white board. Ano kayang meron sa number na yun? Lotto number? "Kung napapansin ninyo, halos kumpleto tayong lahat today. Lahat kayo ay pinatawag ko para sa i-announce sa inyo na for 2 weeks, we need to prepare para sa Org Hunt. 1week ang event na ito. It will start on October 17, and will end on the 21st."

"Yosha! Org Hunt na pala ulit!"

"Game kami jan!"

"Kung hindi ako busy sa acads, Sali ako sa preparation."

Naguluhan ako. Anong Org Hunt? Nagtaas ako ng kamay ko para magtanong. "Excuse me, ano yung Org Hunt?"

"Ah, wala palang idea yung mga newbies natin kung ano ang Org Hunt," paliwanag ni Louise, secretary ng Astronomy Club. "Org Hunt is a big event kung saan tayong mga members ng club ay magpeprapare ng something para makapag-recruit ng mga new members."

"Ah.. yan ba yung may mga nag-bibigay ng fliers tsaka yung may mga pineprepare na shows? Tsaka yung may mga taong humahabol sayo kahit saan ka magpunta, sumali ka lang sa club nila?" usisa kong tanong sa kanila. Hindi ko makakalimutan yung mga kuya sa Judo Club, lahat sila hinabol ako dahil gusto nila akong isali sa club nila. Nakakatakot kasi lahat sila mga malalaking tao, tapos ako eh hamak na first year lang nun tapos sinundan talaga kahit saan ako magpunta! Nung pumasok ako sa CR, saka lang silang sumukong sundan ako kasi tumambay talaga ako doon ng 1hr!

Natawa si Louise sa sinabi ko. "Haha, oo. Tama. Yun yung habulan na nagaganap."

"So maghahabol tayo?" biglang tanong ni Zack na kanina pang tahimik sa pakikinig.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Say You Love MeWhere stories live. Discover now