CHAPTER 20: Make Him Jealous

165 3 1
                                    



"AAAAAAAHHHHHH!!! AYOKO NAAAA!!!!!"

"Kaya natin to Dash! Wag kang susuko!"

"AAAHHH!!!!! *flips table*"

"NOOO!!!! Wag kang sumama sa liwanag, Dash!"

Ito ang naabutan ko pagkabalik ko sa study room namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito ang naabutan ko pagkabalik ko sa study room namin. Nakatulala sa kawalan si Dash, samantalang pilit naman siyang ini-encourage ni Daiki.

Yep, kasama ko sila at nandito kami ngayon sa bahay namin. Usapan namin na kahit weekends ay kailangan nilang mag-review kung gusto nilang payagan kong i-tutor sila sa darating na exam. Since wala naman akong magawa, napapayag nila ako sa huli na turuan ko sila.

Yep, dahil wala lang talaga akong magawa. Yun talaga ang dahilan.

"Oi, anong nangyari jan sa kasama mo? Bakit hindi yan sumasagot sa questionaires na binigay ko sa inyo?" tanong ko kay Daiki na patuloy pa din na tinapik si Dash sa balikat nito.

"Ewan ko ba dito! Bigla na lang nagwala tapos natulala na! Ah by the way," kinuha niya yung notebook niya at ibinigay niya ito sa akin. "Tapos na ako doon sa isang homework namin. Pa-check naman kung tama."

Habang busy si Daiki sa pag-gising doon sa kasama niya, chineck ko naman yung notebook niya. So far ay tama naman lahat ng sagot niya. Actually, matalino at mabilis makapick up itong si Daiki. Ewan ko ba kung bakit nagpapa-tutor pa sa akin to. Hindi kaya...

Napatingin ako doon sa dalawa. Nakita kong wine-wave ni Daiki ang kamay niya sa harap ng mukha ni Dash. At dahan dahan, papalapit ng papalapit ang mukha ni Daiki kay Dash...

"Daiki!" sigaw kong tawag sa pangalan niya.

Biglang napalayo si Daiki kay Dash. Marahil nabigla siya dahil medyo pasigaw kong tinawag yung pangalan niya. At ewan ko kung bakit ko siya biglang tinawag, wala naman akong sasabihin sa kaniya.

Lumapit ako sa kaniya at iniabot sa kaniya yung notebook niya. "Nacheck ko na yung homework mo at lahat naman tama."

"Thanks! Lupit mo talaga, Chase!"

Lalapit ulit sana siya kay Dash ng bigla ko siyang tinapik sa braso niya. Shet, ano ba itong katawan ko? Bakit bigla bigla na lang kumikilos ng di naaayos sa utak ko?!

"Ahm.. Ituloy mo na yung pinapasagot ko sa inyong questionaire. Ako na gigising sa kaniya." sabi ko dito sabay abot sa kaniya yung questionaires na pinapasagot ko sa kaniya.

Hindi naman nagdalawang isip si Daiki na sumunod sa akin. Kinuha niya sa akin yung questionnaire at tahimik na sinagutan ito sa isang sulok.

Tinignan ko yung babaeng hanggang ngayon ay tulala pa din sa kisame. Hmm.. paano ko ba gigisingin to? Nag-wave ako ng kamay sa harap ng mukha niya, pero hindi pa din siya natitinag eh.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon