CHAPTER 15: Emotions

182 5 2
                                    



[ CHASE's POV ]

Hindi ko lubos maisip kung bakit may mga Professor na late na mag-announce na wala silang klase. Yung tipong nasa classroom na yung mga estudyante nila at 30minutes ng naghihintay sa kanila, sabay may dadating na proctor para lang i-announce na hindi pala sila makakapasok. Hindi ba uso ang cellphone sa kanila? Tsk. Dahil sa kanila nasasayang yung tulog namin eh. Kung maaga pa lang sila nag-announce, edi sana nakabawi pa ako ng tulog ngayon. Ugh.

Papunta kami ngayon sa canteen para kumain. Walang magawa eh. Badtrip talaga tong si Sir kahit kalian. Tss.

"Okay ka lang ba Chase? Kanina ka pa hinihikab ah," tanong sakin ni Joshua habang busy itong nakatingin sa phone niya.

"Lalim din pati ng eyebags mo," singit ni Art.

Humikab ulit ako bago ako nakasagot sa kanila. "Napuyat ako kakalaro ng bagong laro ko kagabi eh."

"Naku ayan ka na naman sa pagiging gamer boy mode mo," biglang napatigil sa pagtetext si Josh at tumingin pa ito sakin habang natatawa-tawa. "Mahirap ka na naman mayaya niyan lumabas! Mas mahal mo pa nga yata yang PS4 mo kesa sa amin eh."

"Oo nga. Araw araw na naman puyat tong kaibigan natin." Ani ni Art

"Pati ba naman yung nag-i-isang source of happiness ko kokontrahin ninyo?" biro kong sinabi sa kanila. Aba, kahit na puyat ako masaya naman ako no! Pampatangal ko kasi ng stress ang paglalaro eh.

Nagtawanan naman kaming tatlo. Palibhasa ay alam nilang sobrang hilig ko sa mga games. Yun lang naman kasi ang isa sa mga bagay na nagpapasaya sa akin eh. Ang paglalaro ng games.. at si Aira syempre.

"Pre," bigla akong tinapik ni Art sa balikat ko. "Papalapit dito yung source ng major happiness mo."

Tinignan ko kung ano yung tinutukoy ni Art.

Mali, hindi 'ano'. 'Sino'.

Naglalakad papalapit sa direksyon namin si Dash. Tawa pa ito ng tawa habang naglalakad kaya siguro hindi niya kami napansin na naglalakad sa harap niya.

Cute, nagiging linya na lang mga mata niya.

Uhh, I mean, kamukha niya yung isa sa mga character na nilalaro ko kagabi. Linya na lang yung mata niya sa tuwing tumatawa siya.

Naka-akbay pa yung kaibigan niyang nakalunok ng isang sako ng asukal habang naglalakad sila papunta sa direksyon namin.

"Hi Ms. Chaser!" biglang binati ni Josh ang kanina pang tumatawa na si Chase. Pero parang hangin lang kami dahil hindi niya kami nilingon. Hindi nga niya talaga kami napansin.

"Hui! Cookie Girl!" hinarang pa ni Art ang kamay nito sa harap ni Dash para lang mapansin kami.

"Ui Art! Hi! Hello Josh! Nandito pala kayo hindi ko kayo napansin!" ngumiti siya sa dalawa kong kasama, then tumingin siya sakin. "Hi Chasie my loves! *winks*"

Ugh! Kinilabutan ako sa pag-kindat niya!

"Hi guys!!!!" sabi naman ng kasama niyang maingay.

Nakita ko ang biglang pag-iba ng expression sa mukha ng dalawa kong kaibigan. Nawala ang mga ngiti nila ng tumingin sila kay Daiki. Hindi ko alam kung bakit naiirita kaming tatlo sa lalaking kasama ni Dash samantalang wala naman siyang ginagawang masama sa amin. Weird.

"Lagi bang natuturukan ng asukal itong kasama mo kaya ganito na lang siya laging ka-hyper?" halata sa itsura ni Josh ang pagka-irita nila sa lalaking kasama ni Dash dahil sa tono ng kaniyang pananalita.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon