CHAPTER 2: Hello Mahal, I Exist!

372 9 1
                                    

"Hello classmates! My name is Tiffany Aurea Dash dela Vega. You can just call me 'Dash'! I am from Hillcrest Academy! The reason why I chose this course is because I am chasing for my dream, and for 'that' dream!"

'That dream'. Alam niyo na, ang maging girlfriend ni Mahal ko. Hihihi ang landi ko. First day na first day ng klase, naglulumandi na naman ako. XD

"I hope to get to know you more, guys! Let's be good friends! That's all, thank you!"

Ito ang isa sa mga ayaw ko na ginagawa kada first day ng klase: Ang magpakilala sa harap ng mga taong hindi mo naman kilala! Shy type kasi ako, you know.

Ganito pala pag college ka na no? Medyo maluwag. Kung gugustuhin mong mag-cut, pwede mong gawin (pero makonsesensya ka sa magulang mo~). Pwede kang kumain sa classroom, basta wag ka lang magkakalat sa classroom (at iwasang kumain ng maamoy na pagkain!). Pwede ka ding magdala ng cellphone sa classroom (pero iwasan ang magtext o tumangap ng call habang nasa loob ng classroom). Lahat ng ito, hindi mo pwedeng gawin nung nasa highschool ka pa lang. XD

HRM pala ang kinuha kong course. Hilig ko kasi ang pagbe-bake at proud to say na masarap talaga akong mag-bake! Nakailang-sali na din ako sa mga competition. Kung hindi Gold or Champion, nasa 2nd or Silver medal naman ako. O diba, tarush ng lola niyo! :3

At dahil nga naman first day ng klase ngayon, maaga din kaming pinauwi ng professor namin. Yay! May usapan kami ni Mischa na magkikita kami sa Pav sa tapat ng classroom namin. Excited na akong makita bestfriend ko!

"Tiffy!"

Bumungad sa akin ang maganda at nakanigiti kong bestfriend na si Mischa. At kahit na naka-slacks siya (iyon kasi ang uniform nila sa Advertising Department), ang sexy pa din niyang tignan. Ang professional na nga ng dating niya eh. Nadala kasi sa uniform.

Tumakbo ako papalapit sa kaniya at agad ko siyang niyakap pagkalapit ko sa kaniya.

"Bestie! Kanina ka pa nandito?"

"Yup! Maaga kaming pinauwi ng Professor namin eh."

Umupo ako sa tabi ni Mischa at kinain ang baon na sana eh mamaya ko pang kakainin. "Ayos! Kami din eh. Nagpakilala lang kami tapos ayun, uwian na agad."

"Byebye Dash!"

Pagkalingon ko sa mga taong tumatawag sa akin, nakita ko ang mga kaklase ko na kumakaway sa akin. Kumaway naman din ako sa kanila. Mukha namang mababait and friendly yung mga kaklase ko this year.

"Byebye! Ingat kayo~"

"Dash?" pagtatakang tanong ni Mischa.

"Ahaha! Oo! Yun yung gusto kong itawag nila sakin ngayong college na tayo. Para unique! Madami kasing "Tiffany" or "Tiffy" eh. Para madali din nila akong makilala."

"At para bumagay sa pangalan niya." Seryoso nitong sinabi sa akin. Nanliliit pa ang mga mata ni Mischa habang tinitignan ako.

"Tomooo~"

Yung tingin sakin ay kulang na lang at may lumabas na laser beam..... -_-

"My gahd Tiffy, it's been a year already since we last saw him. Siya pa din ba?" tanong sakin ng maganda kong best friend sabay kuha nito sa baon kong sandwich.

"Yup! Siya pa din, at wala ng iba! Forever!!"

"Yup! Siya pa din, at wala ng iba! Forever!!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon