CHAPTER 6: Servant Duties

211 5 0
                                    

"Hi Chase! I'm here to fetch you~!!!! Hihihi!" masaya kong bati kay Chase pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom nila. Naabutan ko namang nag-aayos na siya ng gamit niya nang nakarating ako. Woo~ Sakto ako!

"Ui nandito na pala si Ms. Chaser eh!"

"Ms. Chaser! Wala ka ba jang dalang pagkain?"


Nakangiti akong sinalubong ng mga kaklase ni Chase pagkapasok ko ng classroom nila. "Naku, wala akong dala ngayon eh. Next time na lang ha?" masaya ko namang sagot sa mga kaklase ni Chase. Infairness, mababait naman sila kaya walang problema sa akin ang ipag-bake ko sila.

Nang papalapit na ako kay Chase, napansin kong palabas na ito ng classroom. Bastos na bata, hindi man lang ako hinintay! Eh siya pa naman ang ipinunta ko dito. >_<

"Chase! Wait up!" Halos matisod tisod ako ng habang hinahabol siya. Ang dami pa kasing mga estudyante sa hallway kaya naman ang hirap habulin ng lalaking yun.

Ang hilig talaga niyang magpahabol.

Ako naman si tanga, sobrang in love kaya naman kahit nagmumukha ng baliw, patuloy pa din ako sa paghabol sa kaniya.

Ilang hakbang pa ay naabutan ko na din siya. Finally.

"Chase naman eh, bakit mo ko iniwan? T^T"

"Iniwan? Bakit? Bitbit ba kita? Gamit ka ba para iwan ko?"

Ang sungit talaga ng lalaking to. May dotdot (period.. if you know what I mean....) ata siya ngayon eh.

"Ano ka ba! Diba susunduin kita ngayon? Nakalimot ka na ba? Nasa kontrata kaya yun!" medyo hinihingal pa ako habang nagsasalita. Takbuhin mo ba naman ang buong hallway para lang habulin yung Mahal mo eh -_-

"Tss. Whatever."

"Akin na bag mo! Ako na magbibitbit!" hinatak ko sa kaniya yung school bag niya. Servant mode ako ngayon eh!

"Ha?! Anong gagawin mo sa bag ko? Bitawan mo nga bag ko!" agad namang hinatak ni Chase ang bag niya para hindi ko ito tuluyang maagaw sa kaniya. Naka-Sling bag kasi siya kaya madali ko itong makukuha sa kaniya.

"Ako namagbibitbit para hindi ka mahirapan. Akin na!" hinatak ko naman sa kaniya yung bag niya.

"Ayoko sabi eh!"

"Akin na!"

"Bitawan mo nga bag ko!"

"Ayoko!"

Grabe, sobrang lakas niya! Hindi ko magawang agawin sa kaniya yung bag niya. Bakit ba kasi ang arte nito? Ako na nga magbibitbit ng bag niya, ayaw pa niya!

"Bakit ba ang arte mo? Ako na nga magdadala ng gamit mo para hindi ka mahirapan kaya akin na bag mo!" sigaw ko naman na sinabi sa kaniya.

"Hindi ako lampa kaya hindi ko kailangan ang tulong mo. Wag mo ngang agawin sakin bag ko! Meron ka namang bag!" pasigaw naman na sagot sa akin ni Chase. Akala mo magkalayo kami kung mag-usap dahil naagsisigawan kami. Pero sa totoo lang, magkaharap lang kami.

Nasa amin na naman ang atensyon ng crowd dahil sa sigawan namin ni Chase. =_=

"Akin na sabi eh!!!!"

"O edi sayo na!" agad namang binitawan ni Chase yung bag niya. Kaya naman natumba ako. Ang nakakainis pa dito, ang daming nakakita sa akin!!!

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon