CHAPTER 9: Failed Stalker!

274 9 2
                                    

--- START OF TEXT ---
Good morning Chasie my labs! I love you!
--- END OF TEXT ---

As usual, na-snob na naman ang text ko. T^T

Maaga akong nagising ngayon dahil sa 7AM class ko. Kaso napasobra ng aga ata ako ng gising kaya naman 6AM pa lang ay nasa school na ako.

Shet, 6 freaking AM! Ang aga masyado! Ano naman kaya pwede kong gawin sa school sa ganitong oras? Eh sarado pa ang library at ibang kainan ng ganitong oras... Ah. Makagala na nga lang sa campus.

Ang konti pa ng mga estudyante at empleyado sa school. Bilang mo lang yung mga taong nakikita mong naglalakad. Infairness, ang laki pala nitong campus namin. Ngayon ko lang narealize dahil ngayon ko lang nagala tong campus namin. Wala akong time din galain yung school kasi puro si Chase na lang ang inaatupag ko. Siya na nga yung mundo ko eh. Kulang na lang eh siya na lang ang pinupuntahan ko mismo sa school, imbes ang mag-aral. XD

Pinasyalan ko yung malaki naming field. Maaga palang nagpapractice yung soccer team ng school namin. Pinanood ko sila saglit at nagsimula ng maglakad muli. Napadpad ako sa malaking garden ng school namin at pagkatapos ay nadala ako ng mga paa ko sa school chapel. Nagdasal ako saglit at syempre, kasama sa dasal ko na sana mainlove na sa akin si Chase. :3

Pabalik na ako ng building namin ng mapansin kong may naglalaro ng Tennis sa may gym. Nanood ako saglit doon sa mga naglalaro. Pagkatingin ko sa may bleachers area, isang pamilyar na lalaki ang nakita ko na nakaupo roon. Si Chase!

--- START OF FLASHBACK ---
Eh kaya hindi yan nakakapag-baon ng matino dahil maaga siyang umaalis ng bahay nila.
--- END OF FLASHBACK ---

Ibig sabihin, kaya siya pumapasok ng maaga ay para manood ng taong naglalaro ng Tennis? Eh kung gusto niyang sumali sa Tennis Club, bakit hindi na lang siya mag-apply? -_-

Lalapit pa sana ako para malapitan ko si Chase ng napansin ko yung isa sa mga naglalaro ng Tennis.

Napatitig ako doon sa isang babae. Matangkad siya. Mahaba ang buhok. Balingkinitan ang katawan. Bilugan ang mga mata. Parang siyang isang model.... Isang artista..... Parang siyang si Aira Mae Flores!

Hindi lang "parang". Si Aira Mae Flores nga iyon! Now it makes sense kung bakit maagang pumapasok si Chase. Hindi dahil interesado siyang sumali sa Tennis Club, pero dahil pinapanood niya yung ultimate crush niya na naglalaro.

Oh Gad, bigla akong nakaramdam ng selos. Ang sakit makitang pinapanood mo yung mahal mo na pinapanood niya yung mahal niya. And all this time, si Aira Mae Flores pa din ang gusto niya. Naiintindihan ko ang kalagayan ni Chase dahil pareho kaming dalawa ng sitwasyon.

Iyon nga lang torpe siya, straight forward ako. Siguro kung katulad niya din akong straight forward, baka matagal ng naging sila ni Aira Mae Flores. Mabuti na lang din at torpe itong Mahal ko. Matagal na siyang may gusto kay Aira Mae Flores. Highschool pa lang kami ay crush na niya ito. Sikat din si Aira Mae sa batch namin dahil maliban na sa matalino siya, magaling din siya sa sports at naging President din siya ng Student Council. Everybody admires her, lalo na si Chase. Patay na patay pa nga eh. Ako lang naman ata ang may ayaw sa kaniya dahil siya ang number 1 karibal ko sa puso ni Chase eh. She's the Salutatorian of their batch kaya naman mas lalo pang lumalim ang paghanga ni Chase sa kaniya. At balita ko ay kaya naging Valedictorian si Chase ay dahil naging inspiration niya si Aira Mae Flores at siya din ang dahilan kung bakit siya pumasok sa University na ito. Mahilig si Chase sa matatalino, and major turn on ito sa kaniya. Kaya nung nalaman kong mahilig sa matalino si Chase, kuntodo kayo ako sa pag-aaral ko noon. Gusto ko noon makapasok sa Top 20 para malaman ni Chase ang existence ko kahit sa pangalan man lang. At kahit man lang magsama ang pangalan namin sa iisang papel. Pero wala eh. Hanggang average grades lang talaga ang kaya ko. -_-

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon