CHAPTER 14: Someday

202 7 5
                                    



"Dude, mukhang masarap na naman yung baon mo ngayon ah!" ito na naman si Josh sa kaniyang pagnanasa sa ulam ko. Kahit kailan napakatakaw talaga ng lalaking to. "Man, buti ka pa may baon ka na samantalang kami ni Art eh kelangan pang makipagsiksikan sa mga tao sa canteen!"

Lunch time na at dahil halos kasabayan namin ang lunch time ng ibang sections, jam-packed na naman panigurado sa canteen. At times like this, na-appreciate ko ang effort ni Dash. If not were her, baka isa na ako nakikipagsagupaan sa canteen para lang bumili ng lunch na wala namang lasa. Aside sa hindi ko na kailangang pumila, hindi ko ipagkakailang masarap ang mga niluluto ni Dash.

"Hulaan ko ang nasa isip mo," biglang singit ni Art habang busy ako sa pag-u-unpack ng lunch box, "Ang swerte mo dahil hindi mo na kailangan pumila sa baba at masarap ang baon mo. Tama ba ako?"

"*scoffs* Maswerte talaga ako."

"Wow! Marunong ka din pala maka-appreciate! Akala namin wala ka ng pakealam kay Dash eh." banat ni Josh habang busy niyang nginunguya yung sandwich na binili niya lang sa canteen.

"I'm pretty sure matutuwa si Dash pag nalaman niyang na-appreciate mo ang efforts niya." dugtong naman ni Art.

"Whatever. Kumain na nga lang kayo jan."

I'm afraid na pag narinig ni Dash itong pinaguusapan namin, baka lalo niya akong hindi tantanan. Pwede niyang bigyan ng malisya yung mga sinasabi ko. Ewan ko. Ang alam ko kasi ang babae na in love, pakitaan mo lang ng kabutihan o kaya masabihan mo lang ng maganda ay bigla na lang sila mag-a-assume na may pag-asa na sila sayo. Tapos pag sinabi mong hindi mo sila gusto, sila pa itong magagalit dahil pinaasa mo daw sila... Labo diba? Sila ang nag-assume, sila pa itong nagagalit.

Kaya nga ba ganito ako makitungo kay Dash dahil ayoko siyang paasahin. Ayokong isipin niya na may chance siya sa akin. Mas maganda na maaga pa lang ay nasasaktan ko na siya, kesa naman sa umasa siya sa akin at sa bandang huli ay masasaktan din siya.

 Mas maganda na maaga pa lang ay nasasaktan ko na siya, kesa naman sa umasa siya sa akin at sa bandang huli ay masasaktan din siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Dude, may nahulog sa lunch box mo. Sayo ba to?" inabot sa akin ni Art ang isang pink na wallet na may stars na design.

"Hindi akin to. Wala akong pink na wallet dude."

Kinuha ni Josh kay Art ang wallet at tinignan ito ng maigi. "Ah. Kay Dash yan! Nakita kong gamit gamit niya yan nung nakasalubong ko siya sa canteen last time." pagkatingin ay iniabot niya sa akin yung wallet.

Binuksan ko ang wallet para makasiguradong kay Dash nga yung wallet. Pagbuklat ko, halos maginit ang pisngi ko sa nakita. Picture ko nung naka-Princess ako ang nakadisplay sa wallet niya! Argh! Agad ko itong kinuha at pinagpupupunit ng pira-piraso, ng pinong pino! Bwisit talaga ang babaeng yun!!! Mabuti na lang at hindi binuksan nina Josh at Art yung wallet dahil kung hindi, hindi ko alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanila. At paano na lang kung may ibang taong makakita sa picture ko na yun?! Arghh!!

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon