CHAPTER - 48 ( The Acting - Challenge )

1.9K 280 273
                                    

YUNA...

Sinadya kong di pansinin ang asawa ng araw na yon. Nang gisingin nya ako para mag-agahan ay tumanggi akong kumain. Yun nga lang ito pa rin ang hari sa bahay na yon kaya kahit anong arte ko ay di umubra ang di ko pagkain. Napilitan tuloy akong sumabay dito pero tahimik lang ako. Hanggang di nya sinasabi na kasama ako sa palawan ay di ko sya papansinin.

"Old habit hard to die, you always like that kapag di ko sinusunod ang gusto mo." Sabi ni Paolo habang nagaalmusal kami.

Umismid lang ako sa kanya. Ang inaasahan ko ay susuyuin nya ako at sasabihing kasama na ako sa pagalis niya pero nang matapos itong kumain ay hinalikan lang ako sa pisngi at umalis na. Just like that? Balewala ang pagiinarte ko? Ang sakit na nga ng kilay ko kakairap sa kanya. Tskk.. Nakakairita. Ang alam ko ay bukas na ang schedule nila sa palawan. So i only have 24 hours to convince him. Pero pumasok ito sa opisina at malamang na mamayang tanghali pa ang uwi nito.

Nang dumating sila Tristan, at Harry ay nagpapasaklolo kong sinabi sa kanila ang problema.

"Di ka naman kase talaga pwede don Yuna, anong gagawin mo don? Dumito ka nalang." Sabi ni Tristan.

Sinimangutan ko ito. Isang-isa nalang talaga at iisipin ko ng hindi ko ito kakampi. While Harry just smile at di nagkomento. Naroon kami sa sala sa taas ng bahay sa tapat ng pool.

"Tristan, di mo naiintindihan, kaya ko gustong sumama don ay dahil naroon si Stephanie. Ikaw na rin ang nagsabi kung gaano kapatay na patay yon sa asawa ko diba? Kailangan kong bantayan si Paolo." Paliwanag ko. Napataas pa ang kilay ng dalawang binata sa sinabi ko.

"Wag mo ng isipin yon, kasama naman ako ni Uncle sa tuluyan nya don, babantayan ko nalang sya. Mag-relax ka nalang dito." Si Tristan.

"Oo nga te Yuna, pag umalis ka di na kami makaka-tambay dito." Si Harry.

"Mas importanteng makasama ako, lantaran na ang pangaakit ng Stephanie na yan. Di na nahihiya sa akin. Pag di ako nakasama baka pagbalik ng uncle nyo may iba na syang asawa." I pout my lips after saying that na ikinatawa nila ng sabay.

"Now you're exagerating."

I rolled my eyes to Tristan.

"Just help me, if you realy care about me."

Bahagyang nagisip si Tristan at nagkaroon ako ng pagasa.

KURT...

KAHIT di magsalita si David ay ramdam kong apektado ito sa pagalis ni Yuna. Ako ang tinawagan ng babae para ipaalam na dina ito papasok. Of course sino ako para pigilan sya? Her husband is the Big boss of VBC. Malamang inutusan ito ni Paolo. At yon ang dahilan ng pagiging tahimik ng kaibigan mula pa nung isang araw. He truly fall for her. Tskkk.. Kaya lang mukang tinotoo ni Paolo ang sinabi. Itinatago na nito ang asawa kay DM.

"DM, are you okey?" Untag ko sa kanya.

"I guess not, alam kong alam mo kung bakit ako nagkakaganito. I terribly miss her. Pero ang mas masakit ay wala naman akong karapatang maramdaman yon."

Natahimik ako sa sinabi nya. Diko akalain na magiging vocal si David sa pagsasabi non. Dati ay dine-deny pa nya, at ayaw masali sa usap si Yuna kesyo may asawa na daw ito at di magandang pakinggan. Pero ngayon ay halos isigaw nito sa akin kung gaano nya kamahal ang asawa ng kaibigan nya.

Wala sanang problema. Natupad ang plano nya. DM fall hard for her. Ang gusto ko sana ay lumayo na ito kasama ang babaeng yon at iwan nito ang DMCC sa kamay ko. Yun nga lang hindi nahulog si Yuna sa kanya sa kabila ng amnesia nito at don nasira ang plano. Di sana ay pareho naming nakamit ang gusto namin ni Steph.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon