CHAPTER - 52 ( Cricket's Fault )

1.7K 275 225
                                    

YUNA...

Kapag gabi sa isla na yon ay saka ko nararamdaman ang sobrang katahimikan, nakakakungkot na katahimikan, naririnig ko ang mga bituin sa sobrang tahimik. Maging ang ingay ng mga kulisap  at kung ano-ano pang mga insekto don. Tahimik lang akong nakatanaw sa tapat ng pinto ng barracks na tuluyan namin ni Paolo.

Hindi pa ako inaantok dahil yon na lang ang ginagawa ko maghapon. Nakikita ko ang mga nakatambay na mga trabahador sa malayo at napapakinigan ang kanilang usap na diko maintindihan. Nalulungkot ako na diko maintindihan.

Natanaw ko si Tristan na paparating mula kung saan pero kasama nito si Joyce. Kinawayan ko ang dalawa. Ang alam ko ay magkakasama sa room sila Joyce at Sonia. Si Tristan ay kay Greg sumalo ng silid dahil sakin.  Si Sir DM at Kurt. Then si Steph na feeling reyna na nagsosolo sa barracks nya.

"Bakit gising kapa?" Lumapit sila sa akin.

"Di pa ako antok, saan kayo galing?" I asked. Alas otso palang naman kase yon ng gabi.

"Tumambay lang kami sa tabing dagat. Maganda don pag gabi, malamig ang hangin, where's uncle?"

"Nasa loob, nagbabasa,.." Sagot ko.

"Naiinip kana no?" Buska ni Tristan. Sinimangutan ko sya.

"H-hindi ah. Ang lungkot lang pag gabi, sobrang tahimik dito."

"Bukas sumama ka sa amin. Natambay kami sa tabing dagat, kasama namin si Sonia at Greg. masaya don."

Lalo akong napasimangot.

"Alam mo naman ang tiyuhin mo," mahinang sabi ko. Si Joyce ay tahimik lang sa tabi ni Tristan.

"Magpaalam ka lang ng ayos, papayag yon dahil marami ka namang kasama, don kaya kami natambay twing gabi," panghahalina pa ng binata.

"Sige bukas daanan nyo ako dito ha."

"Okey."

Masigla na akong pumasok sa loob ng silid namin. At agad nagpaalam sa asawa. Hindi ko inaasahan na papayag ito agad. Muntik na akong mapasayaw sa tuwa.

Kinabukasan nga ay kasama na ako nila Tristan sa tabing dagat. At tama nga ito, masaya don pag gabi, ang daming nakikitang ilaw sa malayo at masarap kausap si Greg at Sonia. Likas na ma-joke ang dalawa. Diko ini-expect na may ganong side ang P.A ni Paolo pero nakakatawa talaga itong magkwento.

Yun nga lang di ako nakapagdala ng Jacket. Malamig pala don pag gabi. Nangaligkig ako agad na ipinagtaka ko. Kelan pa ako naging sensitive sa lamig.?

"Are you okey Yuna?" Tanong ni Tristan.

Kinakabahan akong tumingin sa kanya.

"I'm cold. Diko alam na malamig dito--" nanginginig kong sabi. Hindi ako pwedeng magkasakit. Lagot ako kay Paolo, baka dina ako payagang pumunta don .

"Shit bakit kase dika nag-jacket. Here.. Use this." Aniya saka tinanggal ang suot nyang Jacket at isinuot sa akin.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon