CHAPTER - 19 ( Workaholic )

1.9K 291 197
                                    

YUNA...

Ala una ng hapon natuloy ang meeting nila Paolo. Pinguusapan nila ang ipi-present na design ng gagawing tourist spot ng isang mayamang matanda na si Mr. Baltazar sa isang isla sa palawan.

Sa simula palang ng meeting ay naiilang na ako kay Sir David. Ilang ulit itong natutulala at tila kay lalim ng iniisip pero siguro likas dito ang pagiging magaling dahil kahit mukha itong lutang ay nakakasabay parin naman kay Paolo.

Walo kaming lahat sa conference room na yon. Ako, si Paolo, Tristan, Sir Kurt, Sir David, Brix at Charls kasama din ang PA ng asawa ko na si Greg. Nakaupo lang ako sa tabi ni Tristan at nasa tapat namin ang mga boss ko. Si Paolo naman ay nasa gitna. Kasalukuyang si Brix ang nasa unahan at nagsasalita habang buhay ang projector kung saan makikita ang project plan nila.

Wala naman akong maintindihan don. Pigil ko ang paghikab habang nilalabanan ang antok. Ang tahimik grabe.. Boses lang ng nagsasalita ang naririnig ko at parang ipinaghehele pa ako. Ilang beses akong muntik ng masubsob sa mesa sa sobrang antok. Buti nalang naka-focus si Paolo sa meeting.

Ang katabi kong si Tristan ay napansin kong di rin nakikinig at parang pinipigilan nyang matawa sa akin. Naalala ko nung magkatrabaho pa kami sa A&A lagi din kaming inaantok pag may assembly meeting. Haysss nakaka-miss lang talaga. Panahong patay na patay ako sa lalaki. Paano kaya nabaling kay Paolo ang crush ko noon?

Nang si Sir DM na ang tumayo at nagpresent ay pilit kong pinalaki ang mata para magising. Tinapik-tapik ko pa ang magkabilang pisngi para mawala ang antok. Kainis talaga...bakit kase naroon ako? Anong alam ko sa ganon? Architect ba ako? Engineer? Ni maghalo ng semento diko alam no?  Kumuha ako ng scratch paper sa dala kong folder at nag-drawing nalang doon.

"Yuna, assist David" mahinang tawag sa akin ni Sir Kurt. Napatayo tuloy akong bigla.

Oo nga pala, PA nga pala ako. Kinakabahan akong lumapit sa laptop para i-click lang naman yung mga ipe-present ni Sir. Naiilang ako kase nakikita kong pinapanood ako ni Paolo. Para pa syang napapailing sa akin. Napasimangot ako.. Akala mo di ako marunong ha? Labi ko pa sa naisip.

Twing matatapos ang pagpapaliwanag ni Sir DM ay click next naman ako sa photos. Grabe ang galing nyang magsalita. Kahit diko maunawaan ang trabaho nila, sa pagsasalita palang alam monang matalino at magaling ito. Pero pansin ko na iniiwas nya sa akin ang tingin.

Pagkatapos non ay bumalik na ako sa pwesto ko. May mga tanong sila Brix at Charls. Si Paolo ay tahimik parin at tila nagiisip habang nakatitig sa unahan. Focus mindset pala talaga ito. Ilang saglit ay inantok na naman ako. Wala na ulit kase akong ginagawa kaya ayan na naman ang mata kong gustong sumara. Pinilit ko nalang mag drawing ng bahay pero di naman ako marunong.

Hindi ko namalayan na napasubsob na pala ako sa mesa. Naalimpungatan ako ng may kumuhit sa akin. Si Tristan. Bigla ang reaksyon ko. I clap my hand.

"Very good.. Ang galing --" nasabi ko nang biglang matigilan.

Narinig ko ang pigil na tawa ni Tristan at ng iba pa. Namula tuloy ang mukha ko sa pagkapahiya. Wala na palang tao sa unahan dahil nasa dulo ng table na silang lahat at nakatayo habang nakatunghay sa isang malaking blue print ng project nila.

"Yuna nakakatawa ka" bulong ni Tristan. Kami lang ang wala sa grupo saka si Greg na nakita kong pigil din ang tawa sa akin.

"Tapos naba ang meeting?" Naitanong ko sa lalaki.

"Hindi pa, mahaba pa yan, lalo at di magkasundo ang dalawa" sagot ni Tristan.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now