CHAPTER - 59 ( Dream Tree-House )

2.1K 291 223
                                    

YUNA...

Nakadama ako ng pagkabigo ng marinig kay Tristan na wala sa botika ang gamot ko. Kinakabahan ako dahil baka malaman yon ni Paolo pero anong magagawa ko?

Grabe pa naman ang nangyari sakin makuha lang yon. Nagpa-manyak lang naman ako magdamag sa asawa at ng makatulog ito ay saka ko kinuha ang wallet nya.

"Tristan wag mo nalang sabihin sa uncle mo, uuwi din naman kami next month sa manila kaya makakainom ulit ako non." Sabi ko sa binata.

"Okey, mahalaga ang gamot na yon para makaalala ka ng mabilis, pero hindi naman siguro delikado kung ipagpaliban yon. Basta pag may naramdaman kang di maganda sabihin mo agad sa akin ha."

"O-oo.. Ang totoo mas gumaan ang pakiramdam ko nung di na ko nainom non. Mas masigla na ako saka dina ako masyadong antukin."

"Oh yun naman pala eh, sabihan mo nalang ako kapag nagkaroon ng problema ha, may kaibigan akong doctor at sinabi nya na wala naman masama kung maipagpaliban mo saglit ang paginom non. Kaya wag kang magalala." Ngiti pa nya.

"Hayss buti naman." Nakahinga ako ng maluwag.

"Oh paano balik na ako sa trabaho ha,"

Patalikod na ito ng hilahin ko sa laylayan ng damit.

"A-Ano na naman?" Kunot noong baling sa akin.

"Kelan ang kasal nyo ni Joyce?" Bulong ko sa tenga nya.

"Yuna napaka-tsismosa mo." Natatawang sabi nya.

"B-bakit ba eh gusto ko lang naman malaman." Nakalabing saad ko.

"Wala pa sa plano ko yan, marami pa akong ginagawa."

"Ha?" Napanganga ako sa kaibigan.

"Yuna bago palang kami ni Joyce, wag kang ano dyan." Iling pa ni Tristan.

Pero nakatitig lang ako sa kanya na tila di makapaniwala. Para kase sa akin ay dapat kasal na ang kasunod kapag nakuha na ng isang lalaki ang babae. Lalo na sa tulad namin ni Joyce na laking probinsya. Alam kong yun ang inaasahan ng babae. Imposibleng hindi. Ibinigay nya ang pagkababae kay Tristan dahil mahal nya ito.

Nakadama ako ng panlulumo, bigla ay parang diko maintindihan si Tristan. Pero buhay nila yon at di ako dapat manghimasok. Kaya lang talagang nakakapanlumo.

Hanggang sa silid namin ay naiisip ko ang dalawa. Di ako mapakali. Kung sana ay magkasundo kami ni Joyce baka kinausap ko sya para malaman ang nararamdaman nya tungkol don. Tskk kase naman ang taray ng bruha na yon.

"Tumigil ka nga sa kalalakad, pati tong table ko nauga sa likot mo.!" Sita ni Paolo.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now