CHAPTER - 13 ( Gossip )

1.8K 293 181
                                    

YUNA...

Pagdating sa mansyon ay wala pa daw si Paolo. Kasabay dong dumating ang mga pamangkin nya, sila Mona, Jade at Harry.

"Ate Yuna gala naman tayo, miss kana namin eh" sabi ni Mona.

"Naku wala pa kase akong sahod, " pagdadahilan ko sa kanila.

"Gala lang naman Te eh, dati lagi tayong nagmo-mall, ang saya kaya natin lagi" si Jade.

Hindi ko maalala ang mga ito pero magaan ang loob ko sa kanila. Buruin mo yun? Mga kabataan pala ang barkada ko. Nakakatuwa lang dahil sila-sila lang ding magpipinsan ang magkakabarkada.

Si Xander palang pala ang nakaka graduate. The rest ay mga nagaaral pa ng kolehiyo.

"Sige na ate Yuna, gala na tayo, di kaba nabo-bored dito?" Si Harry.

Saglit akong nagisip bago tumango sa kanila.

"Sige bihis lang ako" sabi ko na ikinatuwa nila.

Ilang saglit pa ay nasa isang malaking mall na kami. Naiwan si Samson sa sasakyan , si Harry naman ay may dalang sariling sasakyan.

Una naming pinuntahan ang game world. Mahilig pala sila sa ganon lalo na si Mona. Pagkatapos non ay sa department store kami pumasok. Napansin kong mas mahilig magshopping ng mga damit si Mona . Si Jade ay sa mga lipstick tumambay. Patingin-tingin lang naman ako.

Wala akong planong bumili ng kahit ano dahil tinitipid ko ang natitirang allowance. Naalala ko tuloy ang hair curler na gusto kong bilhin. Siguro pag sahod ko nalang sa work.

"Ate Yuna, look oh.. Diba type mo ang mga ganito?" Sabi sakin ni Jade.

May hawak syang red mini dress. Maganda nga ang damit kaya nakangiti kong kinuha yon sa kanya. Pero ng makita ko ang presyo ay agad kong binitiwan yon. Susmaryosep.. Ubos ang isang buwan kong sweldo sa mahal ng damit na yon. Grabe..

"Ha ayaw mo ba ate Yuna?" Takang tanong ni Jade.

"S-saka na Jade. Marami pa naman akong damit sa bahay" pagdadahilan ko.

Tiningnan tuloy nila ako ng may pagtataka.

"Grabe may amnesia ka nga Te Yuna. Dati lagay ka lang ng lagay sa cart eh" ani Jade.

Kumunot tuloy ang noo ko sa sinabi nya.

"Tama, di mo lang talaga maubos ang pera ni uncle" tawa pa ni Harry.

Ha? Ganon ba ako? Nakakahiya naman sa mga batang ito. Lumalabas na magastos akong asawa noon. Kaya siguro puno ang wardrobe ko ng mga damit.

Nang lumabas kami don ay may mga bitbit na silang paper bag ng mga pinamili nila. Inakit nila akong kumain at tinanguan ko nalang.

Isang di ko kilalang restaurant ang pinasok nila at umorder ng pagkain si Harry. Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain. Nang ibigay na ang bill ay nag offer na akong magbayad na ikinatuwa nila. Yun nga lang kulang -kulang apat na libo ang binayaran ko. Shit! Anong klaseng restaurant ba yung kinainan namin? Ginto ba yon? Namroblema tuloy ako.. Wala na talaga akong allowance.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now