YUNA....
Friday na ako nakapasok sa DMCC. Bukas kase ay isasabay kona sila Kira, Elona at Joyce papunta sa amin. Medyo nahihiya ako kay Sir David dahil sa sinabi nya sa meeting non na di na ako active employee. Ano kayang ibig nyang sabihin?
Nakakailang din ang di nya pag-imik sa akin at di na sya nahingi ng kape. Medyo nalulungkot ako sa pagbabago ng trato sa akin ng lalaki..
"S-sir DM galit kaba sa akin?" Di ko mapigilang itanong sa binata.
"Ha? H-hindi, bakit mo naman nasabi yan?"
"Kase di nyo na ako inuutusan, tapos parang ayaw nyo na ng kape ko. May sinabi po ba si Paolo sa inyo?" Tanong ko pa.
He sighed. Tila may nais sabihin pero di maituloy.
"Walang sinabi sa akin ang asawa mo, may sakit ka kaya hinahayaan nalang kita sa mga absences mo. Isa pa pino-protektahan kita sa mga tsismis na kumakalat dito. As a married woman, hindi yon ikagaganda ng image mo. Baka makarating pa sa asawa mo," sabi nya.
Napatitig ako sa lalaki. Hindi ko akalain na iniisip nya ang magiging tingin sa akin ng mga tao don. Napatunayan ko ngayon na sobrang bait pala ni Sir. Kahit magkaalitan sila ng asawa ko, tingin ko mas mabait pa ito kay Paolo. He is like Tristan.
"B-bakit ka nakatingin?" Naiilang nyang tanong .
"Wala Sir. Natutuwa lang ako sa iyo. Kahit magkaaway kayo ni Paolo, pinanatili mo ang prinsipyo mo, saka concern ka sakin. Mabait ka pala kahit masungit kang katrabaho"
He smiled.
"Kung ano man ang alitan namin ni Paolo ay labas ka don Yuna."
Napaisip naman ako sa harap ng binata.
"Sir matagal na ang alitan nyo ng asawa ko, bakit di pa kayo magbati ngayon? Iisang project lang kayo at siguro naman di ganon kalala ang dahilan ng away nyo para paabutin nyo ng matagal ang galit nyo sa isat-isa, Tingin ko nga parang away-bata lang yon." I added.
Natigilan din sya sa sinabi ko pero hindi na sya kumibo. Kibit balikat lang akong umalis sa office nya.
Nang maupo ako sa table ko ay naroon na si Sonia.
"Yuna malapit na ang anniversary ng DMCC. A-attend ka ha. Para may kasama ako."
"Ha? Anniversary?"
"Oo, taon-taon daw nagpa-party sila Boss pag anibersaryo nito, sumama ka para di ako ma-OP. Alam mo na pareho lang tayong bago dito." Sabi pa nya.
YOU ARE READING
Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )
RomanceUNEDITED VERSION NOW IN SELF PUBLISH Paano kung magising ka isang araw na hindi mo na kilala ang sarili mo? hindi mo na alam ang ibang mga nangyari sa'yo? wala kang maalala sa ilang naganap sa buhay mo? at hindi mo na matandaan ang ipinangako mong...