CHAPTER - 11 ( Sir David )

1.9K 284 192
                                    

DAVID...

Hindi ko alam kung bakit ako nakakadama ng inis sa nakikitang pagiging malapit nila Yuna at Kurt. Naroon kami sa opisina ko at may nais daw sabihin ang dalaga.

"K-kase po Sir may request po sana ako, kung p-pwede--" tila nahihiyang sabi ni Yuna na nasa akin ang paningin.

"A-ano ba yon?" Kunwari ay Pormal kong tanong.

"Kung pwede po ay baguhin nyo ang schedule ko, hanggang 5pm lang po kase ako pwede at no work ng sabado at linggo. Yun po ang request ko" aniya.

What? Napataas ang kilay ko, si Kurt ay natawa lang sa tapat ng kinauupuan ng babae. Isang linggo itong absent at ni walang pasabe. Terminate na dapat ito for AWOL pero hinabol ko pa sa HR. Tapos pagbalik nya ay may request pa syang ganoon?

"M-ms. Quinto ngayon lang yata ako nakaranas na may isang empleyado na magre-request ng ganyan. Bukod sa di ka manlang nagsabi kung bakit ka absent. May medical record kaba?" Medyo nilangkapan ko ng pagkairita ang tinig ko.

Nahihiya tuloy syang sumulyap kay Kurt. Nainis na naman ako, bakit parang nauna na syang magsabi dito kesa sa akin? Yun tingin kase nya sa kaibigan ko ay parang nahingi ng saklolo.

"Kung pwede lang naman daw Boss" segunda ni Kurt. Kumindat pa sa babae.

Nakasimangot akong bumaling ulit kay Yuna.

"Paano kung di ako pumayag? Masyado kang magmumukang espesyal dito kung gagawin ko yun." Sabi ko dahil yun naman ang totoo.

"Ahmm wala naman po akong magagawa kung di kayo papayag Sir. Siguro po magre-resign nalang ako. Di din kase aari."

What? Resign? Nang mapatingin ako ulit kay Kurt ay nakangising naghahamon ang tingin nito sa akin na tila tinitingnan ang gagawin ko. Bwisit talaga ito. Tiyak na tutuksuhin na naman ako ng lalaki mamaya.

"M-may dala ka nabang mga requirements mo?" Pagiiba ko ng topic.

"Opo naayos kona kanina sa HR. Payag na po ba kayo?"

Napabuntong hininga ako. Pero pagkuway napatango nalang ako. Bobo din ako eh.

Sumilay ang magandang ngiti sa labi ng babae. At masarap yon sa paningin ko. Konti nalang ay baka aminin kona sa sarili ko na tinamaan ako sa babaeng to. Weird lang dahil masyado itong maliit sa mga pang model na type ko sa isang babae. Pero maganda si Yuna, simple ang ganda nito na lalong tumitingkad kapag tinititigan. At kahit maliit ito ay tamang-tama lang ang katawan sa height nya.

"Hoy tulala ka dyan?"

Napatingin ako kay Kurt. Ito nalang pala ang naroon at lumabas na si Yuna sa pwesto nito.

"Kelan pa kayo naging close ni Yuna?" Di ko na naitago ang pagkainis sa tanong na yon.

"Kanina lang, ikaw kelan kapa aamin ha?" Balik tanong nyang nakatawa.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now