CHAPTER - 17 ( Villanueva Builders )

1.8K 297 215
                                    

DAVID...

Tulala lang ako sa bulaklak na ibinigay ko kay Yuna nung friday na basta nalang nya binitiwan sabay alis ng walang paalam sa akin. Ano bang nangyari don? Sinong kausap nya sa phone at ganon nalang ang pagkataranta nya. Ni hindi manlang nagpaalam.

Hinihintay ko talaga sya ngayon para makapagusap kami ng maayos, mamaya ay ang dami ko na uling trabaho at baka di ko na sya mapansin.

Magaalas siete na pero wala pang nadating ni isa kina Sonia at Yuna. Grabeng mga assistant na yon, isang laging late pumasok at isang may sariling restday. Nakaka bad trip.. Kung wala lang sana akong gusto kay Yuna ay baka araw-araw itong may sabon sa akin.

Bukod sa palpak nyang mga trabaho ay ugali na nyang basta umalis ng walang paalam kahit di pa naman oras ng uwian. Bukod tanging sya lang ang walang Over time at walang pasok twing sabado at linggo. Napakagaling...No wonder kung bakit natsismis syang girlfriend ko sa sobrang special nya sa kompanya.

Nakatitig parin ako sa bulaklak na nasa flower base na nang biglang pumasok si Kurt.

"David may good news ako," aniya bago naupo sa visitors chair.

"Ano yon?"

"Nag set na sa atin ng meeting ang Villanueva, bukas ng alas dies sa Kanila. Minamadali daw ng Big boss ang project na yon at gusto na agad simulan" anunsyo niya.

Napasimangot ako. Umandar na naman ang kayabangan ni Paolo. Oras lang nya ang iniisip. Paano yung sa amin? Tskk.

"Okey aayusin ko ang schedule ko bukas, sasabihan ko narin si Yuna---"

"I-isasama mo sya?" Gulat na tanong nito.

"Y-yes, she's my assistant" pagdadahilan ko.

"Mas gamay ni Sonia ang trabaho" ani Kurt.

"I want Yuna with Me," giit ko.

"Sus payabang ka rin eh, pakasal na kayo pag sinagot ka ni Yuna ha" biro pa nya. Ngumisi lang ako sa lalaki.

Pero nabigo ako dahil mukang di papasok si Yuna. Bigla akong nakadama ng pagaalala sa babae.



YUNA...

Oh shit. Tinanghali ako ng gising at malamang dina ako makakapasok pa. Alas dies na ako nagising? OMG.. Bakit kase ang sarap ng tulog ko pag nainom ng vitamin. Sinubukan ko kaseng gabi inumin ang nakaresetang gamot sa akin pati na yung vitamin para di ako antukin sa trabaho pero ayun nga ang nangyari. Wala manlang gumising sa akin? Grabe ang mga kasama ko. Nabawasan na naman ang sasahurin ko. Kainis naman.

Naligo nalang ako at lumabas ng apartment para bumili ng ulam. Nakita ko na namang nakatambay sa labas yung dalawang lalaki na laging bumabati sa akin.

"Good morning Miss, wala ka yatang pasok" bati ng isa. Mukha namang mabait ang mga ito pero feeling close kase sila kaya naiilang ako.

"Absent po ako, na late ng gising eh" sabi ko nalang.

Nakasunod na sila sa akin hanggang bilihan ng ulam. Takang-taka ako sa dalawa. Kinakabahan ako at baka iba na ang kinikilos ng mga ito. Magisa pa naman ako sa bahay..

Pagkabili ng ulam ay mabilis akong lumayo sa dalawa. Buti nalang may sinaing na, si Elona kase ang laging gumagawa non. Kumain ako habang nanonood ng video sa cp. Mauubos na pala ang data ko at kailangan ko ng magload. Bakit kase walang free wifi doon?

Pagkakain ay naghugas ako ng pinggan. Plastic naman ang mga gamit ko para iwas basag. Nahiga nalang ulit ako sa kama ko sa taas at doon nagisip. Sa makalawa ay sahod kona. At ang pera ko nalang sa wallet ay wala ng isang libo. Siguro naman kasya na yon. Hindi ko alam kung paano naubos ang pera ko ng napakabilis. Ang dami ko kaseng binili eh. Tsskk. Nahihiya akong humingi kay Paolo. Baka sabihin nya me sweldo naman ako. Oo nga tiyak na may sasabihin na naman ito sa trabaho ko pag humingi ako ng pera. Yun mga card naman don diko alam ang password. Tskk..

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now