CHAPTER - 16 ( Who's The Boss? )

1.8K 291 200
                                    

JOYCE...

Pagkadating sa 23rd floor ay sabay pa kaming lumabas ng nakakainis na lalaki. I saw Carmen na secretary ni Sir Paolo. Kilala ko ito pero di nya siguro ako tanda.

"Good morning Sir Tristan, pakihintay nalang daw po si Sir sa Conference room," sabi nito sa lalaking Tristan pala ang name. Saka bumaling sa akin. "Miss Sandoval?"

Tumango ako.

"I'm Yuna's Friend, may importante lang akong sadya kay Mr. Villanueva" sabi ko na nakita kong ikinatingin sakin nung Lalaki. Napatitig sya sa mukha ko at tila nagisip ng malalim.

"Ah pasok na po kayo," nakangiting saad ng babae. Inirapan ko muna si Tristan bago ako pumasok sa opisina ni Sir Paolo.

Pagkapasok ko palang ay nilamig na ako sa malakas na buga ng aircondition sa room na yon. Then my eyes landed on the Handsome Man na nakaupo sa swivel chair.

"Sit" utos nya ng saglit na tumingin sa akin. May pinipirmahan itong papers sa table.

Kumabog ng husto ang dibdib ko.  Heto na, nagsisimula na akong magpapansin, pero sana lang ay umepekto. Lihim kong pinagmasdan ang nakatungong lalaki habang nakaupo ako sa visitors chair. Gwapo talaga. Ang lakas ng dating nito sa akin. Sabagay di lang sa akin kundi sa lahat ng mga babae don. Swerte talaga ni Yuna. Paano kaya nya nakuha ang lalaki?

Nagulat pa ako ng bigla itong magangat ng tingin at mahuli akong nakatitig ng matiim sa kanya. Mabilis akong nagiwas ng tingin saka umayos ng upo. Shit.. Ang puso ko.. Malalaglag na yata sa sobrang kaba.

"Ms. Sandoval anong ipinunta mo dito?" Walang kangiti-ngiting tanong ni Sir Paolo.

Nagrigodon ang puso ko ng maupo sya sa tapat ng inuupuan ko. Kumunot agad ang noo nya ng di ako nakasagot agad.

"I asked you why are you here? Friend ka kamo ng asawa ko?" Pananantiya pa nyang tanong.

Nasaktan ako don, di ba nya ako naaalala kahit sa pawnshop manlang o sa apartment? Diba ipinakilala kami ng asawa nya sa isat-isa?

Inalis ko muna ang bara sa lalamunan bago nagsalita.

"My name is Joyce, ako yung nakausap nyo sa pawnshop sa Cavite, kaboardmate ni Yuna,---" nag pause ako para tingnan ang reaksyon nya pero tumango lang ang lalaki.

"Yeah i remember, so what about my question? Bakit ka nandito?"

Binasa ko ang nanunuyong labi sa sobrang kaba. Kinuha ko ang perang nasa envelop na nakalagay sa sling bag kong dala.

"Ibabalik ko lang sana itong pera na nakuha ko mula sa kwintas. Sabi kase sa pawnshop kayo daw ang nagbayad nito kaya ibabalik ko lang" sabi ko. Buti naman at may alibi ako para mapuntahan sya.

Tinanggap naman yon ng lalaki. Nabigla pa ako ng basta nalang ito tumayo.

"Di kana sana nagabala Ms. Sandoval, pero salamat na rin. Anyway marami pa akong gagawin so if you excuse me----"

"Nalaman kopo na may amnesia si Yuna.. Ikwinento nya sa akin" bigla kong sabi. Ayokong putulin nya agad ang paguusap namin na yon.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now