CHAPTER - 20 ( Broken Friendship )

1.9K 283 180
                                    

PAOLO....

Dahil sa di ko natapos ang trabaho ko kagabi dahil sa pangungulit ng asawa ay napilitan tuloy akong bumalik ng kompanya para ituloy yon. Tutal ay ala una pa ng hapon ang schedule ng check up ni Yuna kay Doc. Silva.

Isa pa uling meeting ang ginawa ko sa mga isasama namin sa project namin kay Mr. Baltazar.

"Greg where's my note?" Tanong ko sa Personal assistant habang busy ako sa conference room na yon with my team.

Kumunot ang noo ko ng mapansing busy si Greg sa cp nya. Nagtaka ako. Ngayon ko lang sya nakitang gumamit ng cp habang nasa mahalagang meeting.

"Greg? Emergency ba yan at di mo ako marinig?" Istriktong tanong ko na ikinalingon ng lalaki sa akin.

Alam kong kinabahan ang ilang mga naroon dahil sa tinig ko. Si Brix ay nakita kong umiling-iling lang.

"S-sir im sorry po, pero pwede kopo ba kayong picturan?"

"Ano?" Parang lalo akong nabwisit sa sinabi nito.

"Greg hindi ako nakikipagbiruan ha, where's my note?!!" Iritado kong tanong. Mabilis naman nyang iniabot yon sa akin.

"S-sir kailangan nating magselfie" tila naiilang na sabi pa nito. Nagsalubong na ang kilay ko sa weird act ng assistant.

I sighed para kalmahin ang sarili.

"Ano bang kalokohan yan Greg?"

"Kase po utos ng asawa nyo i-report ko daw sa kanya kung nagpapalipas kayo ng kain, tapos ngayon nagtext sya na patingin daw po ng ginagawa nyo" naiiyak na sabi ng pobre kong tauhan.

Natigilan naman ako sa narinig. Natuwa ako sa sinabi nya pero di ko gustong ipakita yon sa mga tauhan ko. Lalo na kay Brix na ngising-ngisi ngayon.

"Sabihin mo kumain na ako" sabi ko nalang na pinaseryosong pilit ang mukha.

"Okey sir, selfie nalang" aniya.

Napataas ang kilay ko. Anong selfie? Bigla nalang nag post si Greg at bago pa ako naka-react ay narinig kona ang click tone ng camera nya.

Anong kalokohan ito ni Yuna? Ang alam ko ay sya ang pinapabantayan ko, bakit parang baligtad na yata kami?




YUNA....

"Ano ang huli mong natatandaan bago ka magka-amnesia?" Tanong  sa akin ni Doctor Silva.

Napasulyap ako kay Paolo na katabi ko sa upuan don. Medyo nakadama ako ng alinlangan.

"Mrs, Villanueva pwede mo bang sabihin sa akin kung ano yung huli mong natatandaan na nangyari sayo?"

Pinilit kong isipin ang lahat pero iyon lang talaga ang naaalala ko.

"Nag outting po kami ng mga kaibigan ko sa infanta quezon. Then umuwi ako sa laguna, tapos paggising ko bumalik ako ng cavite and ayun na po.. Iba na pala" kwento ko.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now